Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.
Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.

FAQ

Ano ang maitutulong namin sa iyo ngayon?

Mga Karaniwang Tanong sa Strategy Manager

Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong sa Strategy Manager dito

  1. Para maging isang Strategy Manager, pumunta sa MyAlpari at puntahan ang pahina ng Magbukas ng Live Account.
  2. Sa Uri ng Account, piliin ang 'Alpari ECN' at pagkatapos ay punan ang iba pang mga detalye ng account.
  3. Piliin ang ‘Maging isang Strategy Manager sa Alpari CopyTrade’.
  4. Piliin ang Pangalan ng Strategy Account mo at kumpletuhin ang iba pang mga kinakailangang field, tapos ay i-click ang 'Magbukas ng account'.

Ang iyong bahagi ng kita ay awtomatikong itinatakda sa 30% pero maaari mong ayusin ito kahit kailan.

Maaari kang magdeposito sa pamamagitan ng isang panloob transfer, o ng isang panlabas na transfer gamit ang isang credit card, e-wallet o bank transfer.

Mag-withdraw gamit ang isang panloob na transfer o gamit ang isang credit card, e-wallet o bank transfer.

Mahalagang tandaan na kapag mayroon kang mga aktibong Investor na sumusunod sa iyong Strategy account, ang iyong mga kahilingan ng pagwi-withdraw ay hindi maipoproseso hangga't hindi naisara ang lahat ng bukas na posisyon.

Maaari mo lamang mabago ang iyong pangalan ng Strategy Manager ng isang beses. Narito ang kung paano mo magagawa ito:

  1. Sa MyAlpari pumunta sa iyong Strategy account
  2. Sa Alpari CopyTrade na tab, piliin ang 'I-edit' na button sa tabi ng iyong pangalan
  3. I-type ang iyong bagong pangalan at piliin ang 'Isumite'.

Ang Malawakang Pananaw ng Strategy account na pahina ay kung saan makakapunta ang mga investor para makita ang performance ng isang Strategy Manager. Ito ay sinusuportahan ng mga detalyadong estatistika at impormasyon sa Pagsusuri sa Pagte-trade at Balita na tab. Maaari rin nilang makita ang isang pananaw batay sa equity ng account ng Strategy Manager sa Common na tab.

Maaari mong piliing ilathala ang mga estadistikang ito sa website ng Alpari International.

Maaari kang mag-click dito sa pamamagitan ng pagpili sa Strategy Manager sa pahina ng Pagraranggo ng Strategy Manager, o sa loob ng Mga Account sa Pagte-trade Ko sa MyAlpari.

Sa MyAlpari, pumunta sa Mga Account sa Pagte-trade Ko at piliin ang iyong Strategy account. Pagkatapos, sa Alpari CopyTrade na tab, pumunta sa opsyon ng Bayad at i-click ang 'I-edit'. Ilagay ang iyong gustong halaga.

Ang iyong bagong bahagi ng kita ay ipapataw lamang sa mga bagong Investor. Sinumang Mga Investor na mayroon ka ay sisingilin pa rin para sa bahagi ng kita na pinagsang-ayunan nila nang sinimulan ka nilang i-follow.

Pumunta sa Mga Account sa Pagte-trade Ko sa MyAlpari at piliin ang iyong Strategy account. Pagkatapos, sa Alpari CopyTrade na tab, pumunta sa Mga Investor para makita ang lahat ng pondong pinuhunan sa iyong account. I-click ang Mga Bayad para makita ang kabuuang halaga sa mga bahagi ng kita na natanggap mo hanggang sa ngayon.

Mayroon ka ring opsyon na makita ang mga estadistikang ito sa grapikong anyo.

May ilan kang mga opsyon pagdating sa paraan kung paano ka ipinapakita. Maaari mong gawing pampubliko ito, na nangangahulugan na maaaring i-link ng mga Investor ang iyong account gamit ang pahina ng pagraranggo. Maaari mong gawing pribado ito, kaya’t ang tanging paraan upang makakonekta ang mga Investor sa iyong account ay sa pamamagitan ng direktang link. O maaari mong i-off ito - para walang sinumang investor ang makakasunod sa iyo.

Baguhin ang iyong pagsasaayos ng iyong Strategy Manager account sa MyAlpari, sa pamamagitan ng pagpunta sa Pagsasaayos ng Investor.

Alinman sa hindi mo natutugunan ang isa o higit pa sa mga kinakailangan sa ibaba:

  • Kasalukuyan at karaniwang equity na $500 o higit pa
  • Pangkalahatang balik na mas magaling sa -95%
  • Aktibidad sa pakikipagkalakalan sa huling 30 araw.

O inilagay mo ang iyong account sa "Private" o "Switch Off

Ipinapakita ng mga Nangunguna sa Ranggo na Strategy Account:

  • Mga Strategy Manager na may positibong paglago
  • Mga manager na may aktibidad sa pangangalakal sa loob ng mahigit 70 araw ng pakikipagkalakalan
  • Hindi bababa sa 30 naisarang kalakalan.
  • Mga manager na nakapagbukas ng hindi bababa sa isang kalakalan sa panahon ng huling 5 araw ng pakikipagkalakalan.
  • Mga manager na may hindi bababa sa 1000 USD/EUR/GBP bilang kanilang Kasalukuyan at Karaniwang Equity
  • Mga manager na may maximum na leverage na 1:200
  • Inaprubahang Paglalarawan ng Strategy Manager at Aktibong profile ng Strategy Manager

Ipinapakita ng lahat ng mga Strategy account:

  • Kasalukuyan at karaniwang equity na $500 o higit pa.
  • Pangkahalatang balik na mas mabuti sa -95%
  • Aktibidad sa pakikipagkalakalan sa huling 30 araw.

Gamitin ang I-off na opsyon sa Pagsasaayos ng Investor na tab sa MyAlpari. Isang pop-up ang lalabas; i-click mo lamang ang 'Kumpirmahin' dito.

Para makaakit ng mga posibleng investor, hinihikayat ka naming ibahagi ang ilang impormasyon tungkol sa iyong sarili, tulad ng:

  • Iyong larawan
  • Iyong bansang tinitirahan
  • Iyong pangalan o iyong nickname bilang Strategy Manager

Para i-edit ang iyong profile:

  • Pumunta sa MyAlpari at piliin ang iyong Strategy Manager account
  • I-click ang Alpari CopyTrade na tab sa bandang itaas na kaliwang sulok
  • Maaari ka nang mag-edit, at i-click ang 'Ilathala'
  1. Piliin ang iyong Strategy Manager account sa loob ng MyAlpari
  2. I-click ang ‘magdagdag ng paglalaraw’ na button sa tabi ng opsyon ng Paglalarawan sa Estratehiya
  3. Ilagay ang iyong paglalarawan at i-click ang 'I-save'

Bago maging ive ang iyong profile, ito ay ipapadala upang suriin; maaari itong tumagal ng isang araw ng trabaho. Kung maaaprubahan, ito ay ilalathala sa iyong pahina ng Strategy Manager. Kung hindi ito maaaprubahan, ikaw ay makakatanggap ng email na naglalarawan kung ano ang mga isyu, para maaari mong balikan ito at baguhin bago ipadala upang muling suriin.

Oo, magagawa mo ito. Pumunta ka lamang sa MyAlpari at piliin ang iyong Strategy Manager account. Pagkatapos, sa Balita na tab, i-click ang 'Paggawa ng Bagong Post'. May lalabas na isang pop-up. Basta't isulat ang pamagat at teksto na nais mong ibahagi sa iyong mga Investor bago i-click ang 'Isumite'.

Kailangang suriin ang post na ito, na maaaring tumagal ng kahit isang araw ng trabaho. Sa sandaling maaprubahan ito, ito ay ilalathala sa iyong pahina ng Strategy Manager. Kung may anumang mga isyu, papadalhan ka ng email ng mga detalye para maaari mong i-edit at muling ipadala para suriin.

Habang tumataas ang mga pondo mula sa mga follower, dapat ding taasan ng Tagapamahala ng Estratehiya (Strategy Manager) ang kanyang sariling pondo at bawasan ang leverage sa Strategy Account. Ang pinakamababang mga Pondo ng Tagapamahala ng Estratehiya at Pinakamataas na Leverage ay makikita sa talahanayan sa ibaba. Nilalaan ng Kumpanya ang karapatan na i-adjust ang mga level na ito kapag kinakailangan, at na ipaalam nang maaga sa Tagapamahala ng Estratehiya (Strategy Manager).

Level 1Level 2Level 3Level 4
Pinakamababang Pondo ng Tagapamahala1,0002,0005,00010,000
Pinakamataas na Pondo ng mga Follower10,00050,000500,000500K+
Pinakamataas na Leverage1,000200100100

May tanong bang hindi nasagot dito? Huwag mag-alala, pumunta sa aming pahina sa pakikipag-ugnayan at makipag-ugnayan sa amin – malugod ka namin tutulungan.

Bumalik sa FAQ