Sa myAlpari, pumunta sa seksyon ng ‘Pera Ko’, at pagkatapos piliin ang pahina ng Mag-withdraw. Dito, piliin kung aling paraan ng pagbabayad ang gusto mo at i-click ang ‘Mag-withdraw’.
Kasunod, piliin ang myAlpari account o pitaka mula saan mo nais mag-withdraw at kumpletuhin ang form. Piliin ang iyong dahilan sa pagwi-withdraw ng mga pondo at ilagay ang PIN na ipinadala sa iyo sa pamamagitan ng email o SMS bago i-click ang ‘Isumite’.
Mangyaring tandaan, dapat ganap na naberipika ang iyong profile para makapaghiling ng isang pagwi-withdraw.
Kung gusto mong mag-withdraw ng pondo, dapat itong ilipat sa parehong card, e-Wallet, o bank account na ginamit para magdeposito.
Ang mga pagwi-withdraw ay dapat ding gawin nang kasukat sa mga deposito ayon sa paraan ng pagbabayad na ginamit. Halimbawa:
Paunang deposito – 600 USD – Credit Card *3333
Pangalawang deposito – 300 USD – Skrill
Kabuuang idineposito: 900 USD
Paunang pagwi-withdraw – 200 USD – dapat gawin gamit ang Credit Card *3333
Pangalawang pagwi-withdraw - 500 USD – ang 400 USD ay dapat i-withdraw gamit ang Credit Card *3333 at ang 100
USD ay dapat i-withdraw gamit ang Skrill.
Kabuuang nai-withdraw: 700 USD
Mangyaring tandaan na sa ilang kaso, ang mga pagwi-withdraw sa credit card ay magagawa lamang sa loob ng isang taon mula sa paunang deposito.
Ang lahat ng kahilingan ng pagwi-withdraw ay pinoproseso sa loob ng 24 oras (sa loob ng mga oras ng trabaho) ng Back Office. Gayon pa man, depende sa paraan ng pagbabayad na ginamit, maaaring magkaroon ng mga pagkaantala sa oras na kinakailangan para umabot ang mga pondo sa iyong account.
- Mga Bank Wire: Sa pagitan ng 3–5 araw ng trabaho.
- Mga credit/debit card: Sa pagitan ng 3–10 araw ng trabaho.
- Mga e-Wallet: Sa loob ng 1 araw ng trabaho.
Magpadala ng email sa amin ng isang opisyal na dokumento mula sa tagapagkaloob ng card na nagpapahayag na kinansela o nawala ang card at pagkatapos ay sasabihin namin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.
Oo, puwede kang mag-withdraw nguni’t kailangan mong tiyaking may sapat na free margin ka sa iyong acocunt upang matugunan ang pagwi-withdraw at anumang karagdagang singil na maaaring ipataw.
Kung ginagawa mo ang iyong unang pagwi-withdraw, dapat mong tiyakin na ang pagwi-withdraw ay ginagawa papunta sa parehong card na ginamit para gawin ang paunang deposito.
Pagkatapos maberipika ang iyong e-Wallet, awtomatikong ipoproseso ang iyong pagwi-withdraw.
Kung gusto mong mag-withdraw, kailangan mong mag-upload ng isang pahayag ng bangko upang beripikahin ang iyong bank account at ipakita ang:
Kailangan mong tiyaking nagdeposito ka na gamit ang paraang ito.
Upang kanselahiin ang isang kahilingan ng pagwi-withdraw sa myAlpari, pumunta sa tab ng ‘Mga Transfer Ko’ sa ilalim ng seksyon ng ‘Pera Ko’ at i-click ang ‘Kanselahin’.