Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.
Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.

FAQ

Ano ang maitutulong namin sa iyo ngayon?

Mga Karaniwang Tanong sa Investor

Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong sa Investor dito

Ang iyong bagong Investor account ay magagawa sa ilang click lamang. Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pagpili ng iyong Strategy Manager at pag-click sa ‘Invest’ sa kanyang profile page, o sa pamamagitan ng pag-diretso sa MyAlpari at paggawa ng isangInvestment account doon.

Sa sandaling naberipika na ang iyong profile sa MyAlpari, puwede mo nang piliin ang iyong Strategy Manager at magdeposito.

Napakaraming mapagpipilian na Strategy Manager. Kailangan mo lang magpasya kung gaano kataas ang panganib na pahihintulutan mo - at pati na rin ang mga inaasahan mong return (tubo). Ang bawat Strategy Manager ay may antas ng panganib na batay sa ilang mga salik - ang kanilang maximum drawdown, ang kanilang aggression level at ang mga estadistika sa kanilang mga saradong trade.

Kung kailangan mo ng tulong sa ilang mga termino na aming nabanggit, pumunta sa aming talahulugan ng Mga Kahulugan sa Alpari CopyTrade.

Walang kahit na anong limitasyon - maaari kang sumunod sa kahit ilang gusto mo.

Mayroong dalawang paraan para magdeposito. Maaari kang magsagawa ng isang panloob na transfer, o ng isang panlabas na transfer gamit ang isang credit card, bank transfer o e-wallet.

Pumunta sa Malawakang Pananaw ng Mga Account sa MyAlpari. Pumili ng Investment account kung saan gusto mong mag-withdraw ng mga pondo sa pamamagitan ng pag-click sa 'Mag-withdraw'. May ilan pang mga field na kailangang punan - sa sandaling natapos mo na ito, i-click ang 'Isumite'. Kung gusto mong i-withdraw ang buong halaga, piliin ang 'Nais kong i-withdraw ang lahat ng pondo at isara ang account'.

Siyempre naman! Pumunta ka lamang sa  ‘Mga Investment Account Ko’ sa MyAlpari. Dito, makikita mo ang 'I-pause' na button sa tabi ng 'Status ng Account'.

Maaari mong alisin sa pagkaka-pause ang iyong mga Puhunan kapag handa ka na, sa pamamagitan ng pagpunta sa Status ng Account at pag-click sa 'Muling Magpatuloy'.

Oo naman. Sa ‘Mga Investment Account Ko’ sa MyAlpari, piliin ang investment account na kailangan mong baguhin ang antas ng proteksyon.

Sa seksyon ng Account, piliin ang Antas ng Proteksyon. Piliin ang 'I-edit' na button, at iwasto ito sa pagsasaayos na gusto mo, bago i-click ang 'Itakda'.

Maaari mong kontrolin ang Safety Mode sa pamamagitan ng pagpunta sa ‘Mga Investment Account’ sa MyAlpari, at pagpili ng Investment account na gusto mong baguhin.

Pumunta sa seksyon ng Account at piliin ang Safety Mode. I-toggle ang 'I-enable/I-disable' na button para baguhin ang iyong pagsasaayos. Gusto mo bang matuto nang higit pa tungkol sa tampok ng Safety Mode na ito? Pumunta sa aming pahina ng Mga Kahulugan sa Alpari CopyTrade .

Anumang bahagi ng kita na kinita ng iyong Strategy Manager ay binabawas nang diretso mula sa iyong Investment Account. Ito ay nangyayari sa katapusan ng bawat buwan, kapag hihilingin mo ang isang pagwi-withdraw, o kung isasara mo ang iyong Investment account.

Wala - wala siyang access sa iyong account kailanman. Ang mga Strategy Manager ay maaaring magsagawa ng kanilang pagte-trade sa kanilang account lamang, at ang kanilang posisyon ay awtomatikong nakokopya sa iyong acount.

Kung kailan mo gusto. Para sa mga bukas na posisyon, isinasagawa ang mga deposito at pagwi-withdraw sa mga oras ng pagte-trade sa saligang instrumento.

Wala - ang nakaraang performance ng isang Strategy Manager ay hindi kailanman isang garantiya ng mga kita sa hinaharap.

Sa Alpari CopyTrade, mayroong apat na paraan para makatulong na kontrolin at malimitahan ang iyong panganib. Ang mga ito ay:

  1. Pagtatakda ng isang antas ng proteksyon
  2. Pagkaka-pause ng iyong account
  3. Pagpapatakbo sa Safety Mode
  4. Pagpili ng isang Strategy Manager kung kanino ang profile ng panganib ay pinakatugma sa iyo

I-withdraw lamang ang iyong mga pondo mula sa iyong account. Piliin ang 'Nais kong i-withdraw ang lahat ng pondo at isara ang account' na opsyon at tapos ay i-click ang 'Isumite'.

Oo – magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagpunta sa pahina ng Malawakang Pananaw ng Account, at mag-scroll sa seksyon ng Mga Investment Account Ko. Piliin ang kulay asul na Archive link na matatagpuan sa bandang kanan sa itaas, at doon ay makikita mo ang mga sinarang Investment account.

Ang impormasyong ito ay ipapadala sa iyo sa email bawat 30 araw sa pahayag ng Investment Account mo. Maaari mong i-download ang kumpletong ulat na inililista ang lahat ng saradong trade, at ang bahagi ng kita na binayaran sa iyong Strategy Manager para sa panahong iyon.

Maaari ka ring makakua ng napapanahong ulat kahit kailan mula sa MyAlpari. Piliin ang Pahayag na tab sa iyong Investment account, piliin ang mga petsa para sa kung alin nais mong kumuha ng ulat at i-download.

Bawat beses na ang iyong napiling Strategy Manager ay magbubukas ng trade, sabay ka ring magbubukas ng posisyon at presyo batay sa equity mo at ng iyong Strategy Manager.

Ang pormula para dito ay: Ratio = Equity ng Investor / Equity ng Strategy Manager

Kaya't kung ang equity ng Investor ay 1000 USD at ang equity ng Manager ay 200, sa gayon ang ratio ay magiging 1000/200 - na katumbas ng 5.

Kaya, kung ang Strategy Manager ay bumili ng 1 loteng EUR/USD, batay sa ratio (= 5), sa gayon ang Investment account ay bibili ng 5 loteng EUR/USD sa parehong presyo.

Maraming mga dahilan kung bakit ang iyong pangkalahatang return ay maaaring naiiba mula sa iyong Strategy Manager. Kabilang sa mga ito ang:

  • Ang pahina ng Pagraranggo ng Strategy Manager ay nag-a-update ng mga estadistika ng isang beses bawat oras, habang ang datos ng MyAlpari ay live
  • Ang iyong Investment Account ay maaaring naka-pause
  • Maaaring naka-on ang iyong Safety Mode
  • Ang bahagi ng kita ay maaaring nabawasan - ito ay ginagawa bawat 30 araw
  • Ikaw ay nag-withdraw

% pagbabago sa kita sa account ng Strategy Manager * halaga ng puhunan – bahagi ng kita.

Ang iyong paunang $100 na puhunan ay magiging $300 kung ang pangkalahatang kita ng iyong Strategy Manager ay 200% at namuhunan ka sa unang araw pa lang.

At kung ang nasabing kita na iyon ay nagmula sa 200% at naging 300% sa loob lamang ng isang araw, ang iyong puhunan ay lalago nang hanggang $400.

Ito ay batay sa isang simpleng pormula. Ang pagbabago sa porsiyento sa nasabing araw na iyon para sa bagong investor ay (400-300)/300=33.33%.

Kung may bagong dating na investor, sinundan ang parehong Manager habang ang kanyang pangkalahatang kita ay 200%, at namuhunan ng $100, ang investor ay magkakaroon din ng 33.33% ($33.33) na kita sa kaniyang pinuhunan, na ang pangkalahatang total ay magiging $133.33.

Hindi maaaring kumita nang hindi inilalantad ang iyong sarili sa ilang mga panganib.

May tanong bang hindi nasagot dito? Huwag mag-alala, pumunta sa aming pahina sa pakikipag-ugnayan at makipag-ugnayan sa amin – malugod ka namin tutulungan.

Bumalik sa FAQ