Ang brand ng Alpari ay may higit na dalawang milyong kliyente salamat sa reputasyong binuo nito sa nakalipas na dalawang dekada. Sa Alpari International, bahagi ng aming misyon ang panatilihing mataas ang pamantayan ng kahusayan. Nagbibigay kami ng isang kapaligiran ng pagte-trade ng forex na mapagkakatiwalaan, maaasahan at nangunguna sa teknolohiya, habang tinitiyak na nakakatanggap ang bawat kliyente ng napakagandang serbisyo sa customer.
Kasama ang Alpari International, mayroon ka ng lahat na kailangan mo para magsimulang mag-trade ng forex, mga metal, mga cryptocurrency at mga commodity futures CFD. Makinabang sa mga kagamitan sa pagterade, liquidity sa pagitan ng mga bangko, mga makabagong plataporma sa pagte-trade at balitang pinansyal upang tulungan ka sa iyong landas.
Nangangahulugan ang wais na pamumuhunan sa pagkakaroon ng iba’t-ibang opsyon. Kasama ang Alpari International, maaari kang mag-trade at mamuhunan sa paraang gusto mo, sa pagpili ng nagsasariling pagte-trade o sa pagsali sa Alpari Invest at pagsunod ng mga estratehiya mula sa mga batikang trader.
Ang Alpari International ay gumagamit ng MetaTrader 4 at MetaTrader 5, na parehong nagbibigay ng mataas na flexibility, mga kagamitan sa pagtsatsart at isang madaling gamitin na interface. Para sa mga mas mataas na volume, ibinibigay din namin ang Direktang plataporma ng Alpari International na nag-aalok ng mga pinahusay na tampok para sa mga batikang investor.
I-akses ang aming software sa pagte-trade sa bahay o sa iyong cellphone, o sa aming libreng app, na pahihintulutan kang magbukas ng mga account sa pagte-trade, sabayan ang balitang pinansyal, i-akses ang mga real-time na quote, kalendaryong pang-ekonomiya at halaga ng interes mula sa buong mundo.
Siyempre, hindi kami magiging isa sa mga nangungunang broker ng forex kung hindi namin tinitiyak ang mahigpit na seguridad at kaligtasan ng mga pondo ng aming mga kliyente. Mula sa pagtago ng iyong pera sa mga hiwalay na account, sa pakikipagtrabaho lamang sa mga mapagkakatiwalaang bangko (alamin ang higit pa tungkol sa aming piling hanay ng mga bangko rito), pinoprotektahan ng Alpari International ang iyong kapital tulad ng amin. Tinitiyak namin na ang lahat ng datos ay naka-encrypt at nagbibigay kami ng transparency hangga’t maaari, habang sumusunod sa mahihigpit na pamantayang pinansyal.