1. Babala sa Panganib
Dapat pag-aralan ng mga prospektibong kliyente ang mga sumusunod na babala sa panganib nang maingat na maingat. Mangyaring tandaan na hindi namin ginagalugad o ipinapaliwanag ang lahat ng kaakibat na panganib kapag nakikipag-deal sa Mga Instrumentong Pinansyal. Binabalangkas namin ang pangkalahatang katangian ng mga panganib sa pakikipag-deal sa Mga Instrumentong Pinansyal sa isang patas at di-nanlilinlang na batayan.
Lalo na, ang Mga Contract for Difference ('mga CFD') ay masasalimuot na produktong pinansyal at hindi naaangkop para sa lahat ng investor. Ang mga CFD ay mga produktong leveraged na nagma-mature kapag pipiliin mong isara ang isang kasalukuyang bukas na posisyon. Sa pamumuhunan sa mga CFD, umaako ka ng mataas na antas ng panganib na puwedeng magresulta sa pagkawala ng lahat ng iyong pinuhunang kapital.
Maliban kung nalalaman at ganap na nauunawan ng kliyente ang mga kaakibat na panganib sa bawat Instrumentong Pinansyal, hindi siya dapat magsagawa ng anumang aktibidad sa pagte-trade. Hindi ka dapat magbakasakali ng higit sa handa kang mawala sa iyo. Ang Alpari International ay hindi magbibigay sa mga kliyente ng anumang payo sa pamumuhunang kaugnay sa mga pamumuhunan, mga posibleng transaksyon sa mga pamumuhunan, o Mga Instrumentong Pinansyal; hindi rin kami gagawa ng anumang recomendaskyon sa pamumuhunan. Dapat isaalang-alang ng mga kliyente kung aling Instrumentong Pinansyal ang naaangkop para sa kanila ayon sa kanilang pinansyal na status at mga layunin bago magbukas ng account kasama ang ALPARI INTERNATIONAL. Kung hindi maliwanag ang mga panganib sa pagte-trade ng Mga Instrumentong Pinansyal sa kliyente, dapat siyang kumonsulta sa isang tagapayong pinansyal. Kung hindi pa rin nauunawaan ng kliyente ang mga panganib na ito pagkatapos kumonsulta sa isang nagsasariling tagapayong pinansyal, hindi siya dapat mag-trade. Ang pagbili o pagbebenta ng Mga Instrumentong Pinansyal ay may kaakibat na malaking panganib ng mga lugi at mga pinsala, at dapat maunawaan ng bawat kliyente na ang halaga ng puhunan ay puwedeng tumaas o bumaba. Bilang mga kliyente, sila ang mananagot para sa lahat ng lugi at pinsalang ito, na maaaring magresultang higit sa paunang pinuhunang kapital kapag ipinapasiya nilang mag-trade.
2. Pagkilala
Teknikal na Panganib
- Ang Kliyente ay magiging responsable para sa mga panganib ng mga pagkaluging pinansyal na dulot ng pagkasira ng mga sistema ng impormasyon, komunikasyon, elektronika at iba pa. Maaaring maging resulta ng anumang pagkasira ng sistema ang hindi pag-eeksekyut ng kanyang order ayon sa kanyang mga tagubilin o hindi talaga pag-eeksekyut nito. Ang ALPARI INTERNATIONAL ay hindi tumatanggap ng anumang pananagutan sa kaso ng naturang pagkasira.
- Habang nagte-trade sa pamamagitan ng Terminal ng Kliyente, ang Kliyente ay magiging responsable para sa mga panganib ng mga pagkaluging pinansyal na dulot ng:
- Pagkasira, maling paggana o maling paggamit ng hardware o software ng Kliyente o ng ALPARI INTERNATIONAL;
- Mabagal na koneksyon ng Internet sa panig ng Kliyente, sa panig ng ALPARI INTERNATIONAL o sa panig nilang dalawa, o mga pagkahinto o mga blackout ng paghahatid o mga pagkasira ng pampublikong network ng kuryente o mga pag-atake ng hacker, sobrekarga ng koneksyon;
- Maling mga pagsasaayos sa Terminal ng Kliyente;
- (mga naantalang update sa Terminal ng Kliyente;
- ang pagbabalewala ng Kliyente sa mga naaangkop na panuntunan na inilalarawan sa gabay sa gumagamit ng Terminal ng Kliyente at sa website ng ALPARI INTERNATIONAL.
- Kinikilala ng Kliyente na sa oras ng labis na daloy ng deal, maaaring mahirapan ang Kliyente na makakonekta sa telepono sa isang Dealer, lalo na sa isang Fast Market (halimbawa, kung kailan may inilalabas na mga pangunahing macroeconomic indicator).
Mga Abnormal na Kondisyon ng Market
- Kinikilala ng Kliyente na sa ilalim ng Mga Abnormal na Kondisyon ng Market, ang panahon kung kailan ine-eksekyut ang Mga Tagubilin at Mga Kahilingan ay maaaring pahabain.
Plataporma sa Pagte-trade:
- Kinikilala ng Kliyente na iisang Kahilingan o Tagubilin lamang ang pahihintulutang nasa pila sa alinmang pagkakataon. Kapag napadala na ng Kliyente ang isang Kahilingan o Tagubilin, ang anumang ibang Kahilingan o Tagubiling ipapadala ng Kliyente ay ipagwawalang-bahala at makikita ang mensaheng "Naka-lock ang order" hanggang sa na-eksekyut na ang unang Kahilingan o Tagubilin.
- Kinikilala ng Kliyente na ang tanging mapagkakatiwalaang pinanggalingan ng impormasyon sa Daloy ng Mga Quote ay ang iyong nasa Base ng Mga Quote sa tunay/live na Server. Ang Base ng Mga Quote sa Terminal ng Kliyente ay hindi mapagkakatiwalaang pinanggalingan ng impormasyon sa Daloy ng Mga Quote dahil ang koneksyon sa pagitan ng Terminal ng Kliyente at ng Server ay maaaring magambala sa anumang oras at ang ilan sa Mga Quote ay maaaring hindi umabot sa Terminal ng Kliyente.
- Kinikilala ng Kliyente na kapag isinara ng Kliyente ang window para mag-place/baguhin/tanggalin ang order o ang window para buksan/isara ang posisyon, ang Tagubilin o Kahilingang ipinadala sa Server ay hindi kakanselahin.
- Sa kaganapang hindi natanggap ng Kliyente ang resulta ng eksekusyon ng Tagubiling dating naipadala nguni’t ipinasiya niyang ulitin ang Tagubilin, tatanggapin ng Kliyente ang panganib ng paggawa ng dalawang Transaksyon sa halip na isa. Gayon pa man, maaaring makatanggap ang Kliyente ng mensaheng “Naka-lock ang order” ayon sa inilarawan sa punto 2.5 sa itaas.
- Kinikilala ng Kliyente na kung ang Nakabinbin na Order ay na-eksekyut na nguni’t nagpadala ang Kliyente ng Tagubilin para baguhin ang antas nito at ang mga antas ng Mga If-Done Order sa parehong oras, ang tanging Tagubilin na ie-eksekyut ay ang Tagubilin na baguhin ang mga antas ng Stop Loss at/o Take Profit sa posisyonng binuksan noong na-trigger ang Nakabinbin na Order.
Komunikasyon
- Tatanggapin ng Kliyente ang panganib ng anumang pagkaluging pinansyal na dulot ng naantalang pagtanggap o hindi pagtanggap ng Kliyente ng anumang paunawa mula sa ALPARI INTERNATIONAL.
- Kinikilala ng Kliyente na ang hindi naka-encrypt na impormasyong naipadala sa pamamagitan ng email ay hindi protektado sa anumang hindi awtorisadong akses.
- Ang Kliyente ay ganap na responsable para sa mga panganib na may kinalaman sa mga panloob na mensaheng mail sa plataporma sa pagte-trade na hindi naipadala sa Kliyente ng ALPARI INTERNATIONAL dahil awtomatiko silang tinatanggal sa loob ng 3 (tatlong) araw sa kalendaryo.
- Ang Kliyente ay ganap na responsable para sa pagkapribado ng impormayong natanggap mula sa ALPARI INTERNATIONAL at tinatanggap niya ang panganib ng anumang pagkaluging pinansyal na dulot ng hindi awtorisadong akses ng isang third party sa Account sa Pagte-trade ng Kliyente.
- Walang responsabilidad ang ALPARI INTERNATIONAL kung ang mga awtorisado/hindi awtorisadong third party ay may akses sa impormasyon, kabilang ang mga elektronikong address, elektronikong komunikasyon at personal na datos, inaakses ang datos kapag ang mga nasa itaas ay ipinapadala sa pagitan ng ALPARI INTERNATIONAL o anumang iba pang party, gamit ang Internet o iba pang mga pasilidad ng komonikasyon sa network, telepono o anumang iba pang elektronikong paraan.
Pangyayaring Force Majeure
- Sa kaganapan ng isang Pangyayaring Force Majeure, tatanggapin ng Kliyente ang panganib ng mga pagkaluging pinansyal.
3. Paunawa sa Babala sa Panganib para sa Mga Produkto ng Dayuhang Palitan at Derivative
- Ang paunawang ito ay hindi kayang maisiwalat ang lahat ng panganib at iba pang mahahalagang aspeto ng mga produkto ng dayuhang palitan at derivative tulad ng mga future, mga option, at Mga Contract for Differences. Hindi ka dapat mag-deal sa mga produktong ito maliban kung nauunawaan mo ang kanilang sariling katangian at ang hangganan ng iyong pagkakalantad sa panganib. Dapat ka ding masiyahan na ang produkto ay naaangkop para sa iyo ayon sa iyong kalagayan at posisyong pinansyal. Ang ilang estratehiya, tulad ng "spread" na posisyon o "straddle", ay maaaring kasimpanganib ng isang simpleng Long o Short na posisyon.
Bagaman at ang mga instrumentong forex at derivative ay puwedeng gamitin para sa pamamahala ng panganib sa pamumuhunan, ang ilan sa mga produktong ito ay hindi naaangkop para sa maraming investor. Hindi ka dapat magsagawa ng anumang dealing nang direkta o hindi direkta sa mga produktong derivative maliban kung alam mo at nauunawaan mo ang mga kaakibat na panganib nila at na maaaring mawala sa iyo ang lahat ng iyong pera. Ang iba’t-ibang instrumento ay may kaakibat na iba’t-ibang antas ng pagkakalantad sa panganib at sa pagpapasiya kung magte-trade sa mga naturang instrumento, dapat alam mo ang mga sumusunod na punto:
Epekto ng Leverage
- Sa ilalim ng mga kondisyon sa Pagte-trade sa Margin, kahit ang malilit na galaw sa market ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa Account sa Pagte-trade ng Kliyente. Mahalagang tandaan na ang lahat ng account ay nagte-trade sa ilalim ng epekto ng Leverage. Dapat isaalang-alang ng Kliyente na kung gagalaw ang market laban sa Kliyente, maaaring magkaroon ang Kliyente ng kabuuang pagkalugi na higit sa mga pondong idineposito. Ang Kliyente ay responsable para sa lahat ng panganib at pinagkukunang pinansyal na ginagamit ng Kliyente at ang napiling estratehiya sa pagte-trade.
Mahigpit na inirerekomendang magmintina ang Kliyente ng isang Antas ng Margin (ratio ng porsyento ng Equity sa Kinakailangang Margin na kinakalkula bilang Equity / Kinakailangang Margin * 100%) na hindi magiging mas mababa sa 1,000%. Inirerekomenda rin na magtakda ng Stop Loss upang limitahan ang mga potensyal na pagkalugi, at Take Profit upang kolektahin ang mga kita, kung hindi posible para sa Kliyente na pamahalaan ang kanyang Mga Bukas na Posisyon.
Ang Kliyente ay magiging responsable para sa lahat ng pagkaluging pinansyal na dulot ng pagbukas ng posisyon gamit ang pansamantalang labis na Free Margin sa Account sa Pagte-trade na nakuha bilang resulta ng isang matubong posisyon (na kinansela ng ALPARI INTERNATIONAL pagkatapos) na binuksan sa isang Error Quote (Spike) o sa isang Quote na natanggap bilang resulta ng isang Halatang Error.
Mga Instrumentong Sobrang Pabagu-bago
- Ang ilang instrumento ay itine-trade sa loob ng malalawak na saklaw sa loob ng isang araw na may pabagu-bagong galaw ng presyo. Samakatwid, dapat maingat na isaalang-alang ng Kliyente na may mataas na panganib ng mga pagkalugi pati na rin ng mga kita. Ang presyo ng mga instrumentong pinansyal na derivative ay kinukuha mula sa presyo ng underlying asset kung sa alin sumasangguni ang mga instrumento (halimbawa, currency, sapi, mga metal, mga index, atbp.). Puwedeng maging sobrang pabagu-bago ang mga instrumentong pinansyal na derivative at ang mga nauugnay na market. Ang mga presyo ng mga instrumento at ng underlying asset ay maaaring papalit-palit nang bigla sa malalawak na saklaw at maaaring inilalarawan ang mga hindi inaasahang kondisyon o mga pagbabago sa mga kondisyon, wala sa alinman ang makokontrol ng Kliyente o ALPARI INTERNATIONAL. Sa ilalim ng ilang kondisyon ng market, maaaring maging imposibleng ma-eksekyut ang order ng isang Kliyente sa deklaradong presyo, na magreresulta sa mga pagkalugi. Ang mga presyo ng mga instrumento at ng underlying asset ay maaapektuhan ng, kabilang sa iba pang bagay, mga nagbabagong relasyong supply at demand, programa at patakaran ng pamahalaan, agrikultura, komersyo at kalakalan, pambansa at internasyonal na pangyayaring pampulitika at pang-ekonomiya at ang umiiral na katangiang sikolohikal ng nauugnay na pamilihan. Samakatwid, hindi ginagarantiya ng Stop Loss order ang limit ng pagkalugi.
Kinikilala at tinatanggap ng Kliyente na, maging anuman ang anumang impormasyong maaaring ibigay ng ALPARI INTERNATIONAL, ang halaga ng Mga Instrumento ay maaaring pumalit pababa o pataas at posible ring mawala ang halaga ng puhunan. Ito ay dahil sa margining system na naaangkop sa naturang mga trade, na karaniwang may medyo katamtamang deposito o margin batay sa pangkalahatang halaga ng kontrata, kaya’t isang medyo maliit na galaw sa underlying market ay puwedeng magkaroon ng napakadramatikong epekto sa trade ng Kliyente. Kung ang galaw ng underlying market ay nasa pabor ng Kliyente, maaaring magkaroon ng magandang kita ang Kliyente, nguni’t ang isang kasinliit na salungat na galaw ng market ay hindi lamang mabilis na magreresulta sa pagkalugi ng buong deposito ng Kliyente, nguni’t maaari ring ilantad ang Kliyente sa isang malaking karagdagang pagkalugi.
Liquidity
- Ang ilan sa underlying asset ay maaring hindi agad na magiging liquid bilang resulta ng bumabang demand para sa underlying asset at ang Kliyente ay maaaring hindi makuha ang impormasyon sa halaga ng mga ito at ang hangganan ng mga nauugnay na panganib.
Mga Contract for Differences
- Ang mga CFD na available para sa pagte-trade sa Kompanya ay mga non-deliverable spot na transaksyon na nagbibigay ng pagkakatong kumita sa mga pagbabago sa mga halaga ng currency, commodity, mga index ng pamilihang sapi o presyo ng mga sapi na tinatawag na underlying instrument. Kung ang galaw ng underlying instrument ay nasa pabor ng Customer, maaaring magkaroon ng magandang kita ang Customer, nguni’t ang isang kasinliit na salungat na galaw ng market ay hindi lamang mabilis na magreresulta sa pagkalugi ng buong deposito ng Customer, nguni’t pati na rin anumang karagdagang komisyon at iba pang gastusing natamo. Kaya, hindi dapat pumasok ang Customer sa mga CFD maliban kung handa niyang tanggapin ang mga panganib na mawala ang lahat ng perang pinuhunan niya at pati na rin ng anumang karagdagang komisyon at iba pang gastusing natamo.
Kaakibat ng pamumuhunan sa isang Contract for Differences ang parehong mga panganib sa pamumuhunan sa isang future o option at dapat alam mo ang mga ito ayon sa inilahad sa itaas. Ang mga transaksyon sa Mga Contract for Differences ay maaaring mayroon ding nakasalalay na pananagutan at dapat alam mo ang mga implikasyon nito ayon sa inilahad sa ibaba.
Mga Off-exchange na Transaksyon sa Mga Derivative
- Ang mga CFD, forex at mahahalagang metal ay mga off-exchange na transaksyon. Habang ang ilang mga off-exchange market ay napaka-liquid, ang mga transaksyon sa off-exchange o mga non-transferable derivative ay maaaring may kaakibat na mas malaking panganib kaysa sa pamumuhunan sa mga on-exchange derivative dahil walang market ng palitan kung saan puwedeng isara ang isang Bukas na Posisyon. Maaaring imposibleng likidahin ang isang kasalukuyang posisyon, tasahin ang halaga ng posisyong nagmumula sa isang off-exchange na transaksyon o suriin ang pagkakalantad sa panganib. Hindi kailangang i-quote ang mga presyong Bid at presyong Ask, at kung iqu-quote man sila, itatakda sila ng mga dealer ng mga instrumentong ito at dahil dito, maaaring mahirap na matukoy kung ano ang isang makatarangunang presyo.
Hinggil sa mga transaksyon sa mga CFD, forex at mahahalagang metal kasama ang ALPARI INTERNATIONAL, gumagamit ang ALPARI INTERNATIONAL ng isang plataporma sa pagte-trade para sa mga transaksyon sa mga CFD na hindi kabilang sa depinisyon ng isang kinikilalang palitan dahil ito ay hindi isang Multilateral Trading Facility at kaya’t wala itong parehong proteksyon.
Mga Dayuhang Market
- May kaakibat na iba’t-ibang panganib ang mga dayuhang market. Kung hihilingin ito, ang ALPARI INTERNATIONAL ay dapat magbigay ng isang paliwanag tungkol sa mga nauugnay na panganib at proteksyon (kung mayroon man) na patatakbuhin sa anumang dayuhang market, kabilang ang hangganan ng pagtanggap nito ng pananagutan para sa anumang pag-default ng isang dayuhang kompanya sa pamamagitan ng kung kanino ito ay nakikipag-deal. Ang potensyal para sa kita o pagkalugi mula sa mga transaksyon sa mga dayuhang market o sa mga banyagang naka-denominate na kontrata ay maaapektuhan ng mga pagbabagu-bago ng mga halaga ng dayuhang palitan.
Mga Transaksyon sa Pamumuhuhan na May Nakasalalay na Pananagutan
Kakailanganin sa iyo ng mga transaksyon sa pamumuhuhan na may nakasalalay na pananagutan, na may margin, na gumawa ng isang serye ng mga pagbabayad laban sa presyo ng pagbili, sa halip na bayaran ang buong presyo ng pagbili kaagad. Ang pangangailangan ng margin ay depende sa underlying asset ng instrumento. Ang mga pangangailangan ng margin ay puwedeng nakatakda o kinakalkula mula sa kasalukuyang presyo ng underlying instrument; matatagpuan ito sa website ng ALPARI INTERNATIONAL.
Kung nagte-trade ka ng mga future, Contract for Differences o sell option, maaari kang magkaroon ng isang kabuuang pagkalugi ng mga pondong idineposito mo para buksan at imintina ang isang posisyon. Kung gagalaw ang market laban sa iyo, maaaring hilingin sa iyong magbayad ng maraming karagdagang pondo nang biglaan upang imintina ang posisyon. Kung hindi mo ito magagawa sa loob ng kinakailangang panahon, maaaring ilikida ang iyong posisyon nang may lugi at magiging responsable ka para sa magreresultang kakulangan. Mangyaring tandaan na walang obligasyon ang ALPARI INTERNATIONAL na ipagbigay-alam sa Kliyente ang anumang Margin Call upang panatilihin ang isang naluluging posisyon.
Kahit na walang margin ang isang transaksyon, maaaring may kaakibat na obligasyon itong gumawa ng karagdagang pagbabayad sa ilang kaso na higit pa at mas mataas sa halagang ibinayad mo noong pumasok ka sa kontrata.
Ang mga transaksyon sa pamumuhuhan na may nakasalalay na pananagutan na hindi itine-trade o nasa ilalim ng mga panuntunan ng isang kinikilala o itinalagang palitan ng puhunan ay maaari kang ilantad sa mas malalaking panganib.
Kolateral
- Kung magdedeposito ka ng kolateral bilang panagot sa ALPARI INTERNATIONAL, ang paraan kung paano ito hawakan ay mag-iiba ayon sa uri ng transaksyon at kung saan ito itine-trade. Maaaring may mga makabuluhang pagkakaiba sa paghawak ng iyong kolateral depende sa kung nagte-trade ka sa isang kinikilala o itinalagang palitan ng puhunan, na inilalapat ang mga panuntunan ng palitang iyon (at ang nauugnay na clearing house), o nagte-trade ka nang off-exchange. Maaaring mawala ang pagkakakilanlan ng idinepositong kolateral bilang pag-aari mo sa sandaling may isinagawang mga dealing sa ngalan mo. Kahit na ang iyong mga dealing ay magiging matubo sa huli, maaaring hindi mo mabawi ang mga parehong asset na idineposito mo, at maaaring kailangan mong tanggapin ang pagbabayad na cash. Dapat mong alamin mula sa iyong kompanya kung ano ang gagawin nila sa iyong kolateral.
Mga Komisyon at Buwis
- Bago ka magsimulang mag-trade, dapat mong alamin ang lahat ng komisyon at iba pang singil na pananagutan mo. Kung may anumang singil na hindi direktang nakalagay kung magkano ito (nguni’t, halimbawa, bilang porsyento ng halaga ng kontrata), dapat mong tiyaking nauunawan mo ang kung magkano talaga ang mga singil na ito.
- May panganib na ang mga trade ng Kliyente sa anumang Instrumentong Pinansyal kabilang ang mga instrumentong derivative ay maaaring maging o mapasailalim sa buwis at/o anumang iba pang duty dahil sa mga pagbabago sa batas o sa kanyang personal na sitwasyon. Hindi ginagarantiya ng ALPARI INTERNATIONAL na walang buwis at/o anumang iba pang stamp duty ang dapat bayaran. Ang Kliyente ay reponsable para sa anumang buwis at/o anumang iba pang aransel na maaaring ipataw na may kinalaman sa kanyang mga trade.
Mga Pagsuspindi ng Pagte-trade
- Sa ilalim ng ilang kondisyon sa pagte-trade, maaaring maging mahirap o imposibleng ilikida ang isang posisyon. Maaari itong mangyari, halimbawa, sa oras ng mabilis na galaw ng presyo, kung sobrang tumataas at bumababa ang presyo sa loob ng isang sesyon ng pagte-trade na sa ilalim ng mga panuntunan ng nauugnay na palitan, masusupindi o malilimita ang pagte-trade. Ang pag-place ng isang Stop Loss ay hindi tiyak na limitahan ang iyong mga pagkalugi sa mga nilalayong halaga, dahil maaaring gawing imposible ng mga kondisyon ng market na mai-eksekyut ang Order sa itinakdang presyo. Bilang karagdagan, sa ilalim ng ilang kondisyon ng market, ang eksekyusyon ng isang Stop Loss Order ay maaaring mas masama kaysa sa itinakdang presyo nito at ang mga pagkaluging matatamo ay puwedeng maging mas malaki kaysa sa inaasahan.
Mga Proteksyon ng Clearing House
- Sa maraming palitan, ang pagsasagawa ng isang transaksyon ng iyong kompanya (o third party kung kanino ito nakikipag-deal sa ngalan mo) ay ginagarantiya ng palitan o clearing house. Gayon pa man, ang garantiyang ito ay malamang na hindi ka, ang Kliyente, sinasaklaw sa karamihan ng mga sitwasyon, at maaaring hindi ka maprotektahan nito kung ang iyong kompanya o iba pang party ay magde-default sa mga obligasyon nito sa iyo. Kung hihilingin ito, ang ALPARI INTERNATIONAL ay dapat ipaliwanag sa iyo ang anumang proteksyong ibinibigay sa iyo sa ilalim ng garantiya sa clearing na naaangkop sa anumang on-exchange na derivative na idine-deal mo. Walang clearing house para sa mga tradisyonal na option, at karaniwang wala rin nito para sa mga off-exchange na instrumento na hindi itine-trade sa ilalim ng mga panuntunan ng isang kinikilala o itinalagang palitan ng puhunan.
Pagkabankarota
- Ang pagkabankarota o pag-default ng ALPARI INTERNATIONAL ay maaaring humantong sa paglilikida o pagsasara ng mga posisyon nang walang pahintulot mo. Sa ilang kaso, maaaring hindi mo mabawi ang mga aktuwal na asset na ginagamit mo bilang kolateral at maaaring kailangan mong tanggapin ang anumang available na pagbabayad na cash o sa pamamagitan ng anumang iba pang pamamaraang itinuring bilang naaangkop.
- Ang Mga Hiwalay na Pondo ay sasailalim sa mga proteksyong ipinagkakaloob ng Mga Naaangkop na Regulasyon.
- Ang Mga Hindi Hiwalay na Pondo ay hindi sasailalim sa mga proteksyong ipinagkakaloob ng Mga Naaangkop na Regulasyon. Ang Mga Hindi Hiwalay na Pondo ay hindi ihihiwalay sa pera ng ALPARI INTERNATIONAL at gagamitin sa pagnenegosyo ng ALPARI INTERNATIONAL, at sa kaganapan ng pagkabangkarota ng ALPARI INTERNATIONAL, ituturing ka bilang isang general creditor.
4. Panganib na Third Party
Ang paunawang ito ay ibinigay sa iyo ayon sa naaangkop na batas.
- Maaaring ipasa ng ALPARI INTERNATIONAL ang perang natanggap mula sa Kliyente sa isang third party (hal. isang bangko, isang market, intermediate broker, OTC counterparty o clearing house) upang hawakan o kontrolin upang makagawa ng isang Transaksyon sa pamamagitan ng o kasama ang taong iyon o upang matugunan ang obligasyon ng Kliyenteng magbigay ng kolateral (hal. paunang pangangailangan ng margin) na may kinalaman sa isang Transaksyon. Ang ALPARI INTERNATIONAL ay walang responsabilidad para sa anumang kilos o pagkaligta ng anumang third party kung kanino ito magpapasa ng perang natanggap mula sa Kliyente.
- Ang third party kung kanino ipapasa ng ALPARI INTERNATIONAL ang pera ay maaaring hawakan ito sa isang omnibus account at maaaring hindi maging posibleng ihiwalay ito sa pera ng Kliyente o sa pera ng third party. Sa kaganapan ng pagkabankarota o anumang iba pang katulad na paglilitis na kaugnay sa third party na iyon, maaari lamang magkaroon ang ALPARI INTERNATIONAL ng isang unsecured claim laban sa third party sa ngalan ng Kliyente, at ang Kliyente ay malalantad sa panganib na ang perang matatanggap ng ALPARI INTERNATIONAL mula sa third party ay hindi sapat upang tugunan ang mga claim ng Kliyente na may mga claim na may kinalaman sa nauugnay na account. Ang ALPARI INTERNATIONAL ay hindi tumatanggap ng anumang pananagutan o responsabilidad para sa anumang pagkaluging magreresulta.
- Maaaring ideposito ng ALPARI INTERNATIONAL ang pera ng Kliyente sa isang depositarya na maaaring may security interest, pataw o karapatan na i-set-off na kaugnay sa perang iyon.
- Isang Bangko o Broker sa pamamagitan ng kung kanino nakikipag-deal ang ALPARI INTERNATIONAL ay maaaring magkaroon ng interes na salungat sa mga Interes ng Kliyente.