Ang Alpari International ay produkto ng tiyaga, pasulong na pag-iisip at isang maingat na set ng pinahahalagahan sa negosyo na nagtutulak sa aming patuloy na magpursige sa mundo ng pinansyal na pagte-trade.
Ang istoryang ito ng tatlong lalaking nagtatag ng brand ng Alpari at gumawa ng pandaigdigang imperyo ng online na pagte-trade mula sa wala, sa panahon ng isa sa mga pinakamalubhang krisis sa ekonomiya sa kamakailang kasaysayan, ay isang istorya ng pagpursige at pagsisikap. Sila ang dahilan kung bakit narito tayo ngayon, kaya ang istorya namin ay nagsimula higit sa 20 taon na ang nakalipas…
1998
2000
2001
2003
2004
2005
2006
2007
2008
2009
2010
2011
2012
2013
2014
2015
2016
2017
Sa gitna ng laganap na kaguluhan sa Russia, isang maliit na grupo ng lalaki ay nagbalak na magsimula ng isang negosyo sa pananalapi sa isa sa mga taong pinakawalang-katiyakan sa ekonomiya sa kasaysayan ng bansa. Hindi na kayang bayarang ng pamahalaan ang mga utang nito, pababa nang pababa ang rouble at ang pamilihang sapi ay malapit nang bumagsak. Nguni’t ang mga tagapagtatag ng Alpari ay interesado sa isa sa mga natitirang market na hindi naapektuhan – ang forex. Itinatag ang Alpari noong ika-24 ng Disyembre ng 1998.
Nagpasiya ang pakinabangan ang bagong teknolohiya at ilipat ang pagte-trade nito sa online, sa pagsasama ng puwersa nito at ng plataporma ng MetaQuotes.
Patuloy na umusbong ang market ng forex, at nagbukas ito ng tanggapan ng Alpari sa Moscow.
Nakumpleto ng Alpari ang transisyon nito sa ganap na online na pagte-trade, pagkatapos nitong ilipat ang lahat ng live na pagte-trade sa platapormang MetaTrader ng MetaQuotes. Napakadaling gamitin ng bagong software sa pagte-trade at may kasama itong napakaraming makabagong tampok para sa mga kliyente.
Nagsimulang mag-alok ang Alpari ng isang libreng bersyon ng MetaTrader para sa mga pocket computer.
Ang Alpari at ang Prime-Tass Agency of Economic Information ay naglagda ng isang kasunduang pinahihintulutan ang Alpari na magbigay ng pang-ekonomiyang datos mula sa Dow Jones Newswires sa mga kliyente nito.
Nagbukas ang Alpari Trading School.
Ipinagbunyi ng brand ang ika-10,000 kliyente nito.
Itinatag ang Alpari Charitable Fund.
Walang tigil ang pag-usbong, at noong nakamit ng brand ng Alpari ang milestone ng ika-25,000 kliyente nito, nagsimulang lumaganap ang brand sa buong mundo, na may mga lisensyang ipinagkaloob para sa Alpari UK at US.
Kinilala ng National Futures Association (NFA) ng US ang Alpari (US), LLC bilang isang Futures Commission Merchant. Binigyan din ng lisensya ang Alpari (US) bilang isang broker ng Commodity Futures Trading Commission (CFTC) ng US.
May isa pang kompanyang itinatag sa ilalim ng brand ng Alpari. Ang Alpari Emirates ay binigyan ng lisensya ng Dubai Department of Economic Development at binigyan ng awtorisasyong magnegosyo sa Dubai
Ipinagdiwang ng Alpari ang isang bagong landmark nito, pagkatapos magparehistro ang ika-100,000 kliyente nito para sa isang account.
Pinarangalan ang Alpari bilang "Company of the Year" sa kategorya ng "Brokerage Services" sa 2009 National Awards. Pinarangalan din ang Alpari UK bilang "Fastest Growing Forex Company" sa kategorya ng "Foreign Exchange" ng World Finance UK.
Pumirma ang Alpari bilang opisyal na sponsor ng kilalang FC Spartak Moscow, isa sa nga nangungunang football club sa Russia.
Inilunsad ang ‘Gold account’, na pinahihintulutan ang mga kliyenteng mag-trade sa account na gumagamit ng isang currency na nakatali sa presyo ng ginto. Samantala, patuloy na dumarating ang mga gawad, dahil pinarangalan ang Alpari UK bilang "Best Execution House" sa kategorya ng "Foreign Exchange" ng World Finance UK.
Ang pinagsamang volume sa pagte-trade buwan-buwan ng mga kompanyang nagnenegosyo sa ilalim ng brand ng Alpari ay umabot sa pinakamataas nito na 210 bilyong USD.
Ang Alpari UK ay nagsimulang maglingkod sa mga kliyenteng Hapones pagkatapos nitong bilhin ang CMS Japan KK at pumirma ito ng isang sponsorship deal kasama ang football club na taga-London na West Ham United sa Hulyo. Ispinonsor nito ang isa sa pinakamalaking pangyayari sa mundo ng forex, ang London Investor Show.
Ang Alpari US ay naging opisal na sponsor ng kilalang NBA team, ang New York Knicks, at ang hockey team, ang New York Rangers. Ang brand ng Alpari ay na-advertise sa sikat na Madison Square Garden. Noong Hunyo, pinangalanan itong "Best Latin American Forex Broker" sa prestihiyosong IBTimes Trading Awards.
Inilista ng Forex Magnates ang Alpari bilang isa sa limang pinakamalaking broker ng Forex sa buong mundo batay sa volume sa pagte-trade.
Patuloy na pinapatunayan ng mga numero ang pag-usbong dahil ang Alpari ay ang ikatlong pinakamalaking broker ng Forex sa buong mundo batay sa volume sa pagte-trade ng kliyente ayon sa Forex Magnates. Ang average na volume sa pagte-trade buwan-buwan sa Alpari noong 2011 ay higit sa 202 bilyong USD.
Ang proyektong "Alpari: On Top of the World" ay inilunsad. Nagpadala ang Alpari ng isang team ng mga climber upang magtagumpay sa pinakamataas na bundok sa bawat isa sa pitong kontinente sa buong mundo nang hindi aabot ng isang taon. Pagdating ng Disyembre, nakaakyat na ang Team Alpari sa “Seven Summits” sa loob ng 300 araw at nag-set ito ng ilang world record sa proseso.
Ang Alpari ay kinilala para sa "Excellence in the Industry and a Sterling Reputation" sa 2012 Forex Expo Awards.
Ang 2013 ay naging isa pang napaganda at record-breaking na taon para sa Alpari. Sa Agosto, ang year-on-year turnover ay lumampas sa 1 trilyong USD, at nagtapos ang taon nang may 1.469 trilyong USD.
Sa Disyembre, ipinagbunyi ng Alpari ang ika-15 anibersaryo nito.
Sa Abril, ang brand ng Alpari brand ay nabigyan ng lisensya ng Mauritius Financial Services Commission (FSC) at inilunsad nito ang Alpari International! Bilang pinakabagong miyembro ng pamilya ng Alpari, nagsimula kaming tumanggap ng mga kliyente sa pag-aalok ng higit sa 70 sikat na forex, CFD at mga produktong metal sa platapormang MT4.
Patuloy na lumalagap din ang brand mula sa loob. Inilunsad ang ‘Alpari Bonus’, isang makabagong programa na wala dati sa industriya ng forex. Maaaring pumili ang mga trader ng sarili nilang mga tuntunin sa pagte-trade, pamumuhunan at paglilipat ng mga pondo.
Ang isa pang landmark ay paglulunsad ng ‘Investment Ideas’ – kung saan ang mga napapanahong mungkahi para sa pamumuhunan ay nagbibigay-daan sa potensyal na mas mataas na kakayahang kumita.
Ang pagpapakilala ng pagte-trade ng mga binary option sa Setyembre ay ang pinakabago sa mga makabagong ideyang ito.
Ang ika-1 milyong kliyente ay nagparehistro sa Alpari – isang napakalaking milestone para sa brand.
Sa Abril, inilunsad ng brand ang makabagong ECN account – na pinahihintulutan ang mga retail na kliyenteng mag-trade sa ilalim ng parehong malalakas na kondisyon katulad ng mga propesyonal na trader mula sa nangungunang bangko at institusyong pinansyal sa buong mundo.
Sa November, ang Alpari ay kinilala bilang "Best Binary Options Broker" sa Finance Magnates Awards 2015 sa London.
Sa Enero, nakilahok ang Alpari sa pinakamalaking internasyonal na tanghalan ng forex sa Hong Kong – ang iFXExpo – na ipinapakita ang mga plano ng pagpapalawak ng brand sa mga market sa Asya.
Nagbukas ang brand ng mga tanggapan sa Mauritius, na naging punong-tanggapan ng Alpari International. Alinsunod dito, nagsimulang makipag-negosasyon ang mga tagapamahala ng Alpari sa mga pinuno ng bansa tungkol sa kung paano gumawa ng isang sentrong pinansyal sa Indian Ocean.
Sa parehong taon, ang Alpari ay nabigyan ng lisensya ng Bank of Russia, na higit na pinatitibay ang status ng brand bilang isa sa pinakamaaasahang broker sa rehiyon.
Inilunsad ng brand ang aplikasyon ng Alpari Mobile, na maginhawang pinahihintulutan ang mga kliyente na manatiling up to date sa pinakabagong balita, makakuha ng mga real-time na quote ng currency, at pamahalaan ang kanilang pananalapi nang direkta mula sa kanilang mga iOS na mobile device.
Ang Alpari ay binoto bilang “Most Innovative Broker” sa pangkalahatan at “Most Reliable Broker” sa larangan ng mga binary option sa prestihiyosong FX Empire Awards.
Sa Disyembre, ipinagbunyi ng pamilya ng Alpari ang isa pang napakamatagumpay na taon, kung saan nagkaroon ito ng higit sa $1.3 trilyon na turnover sa pagte-trade sa haba ng 2017. Ipinapakita nito ang pinakabagong record ng kompanya, isang 29% na pagpapabuti kung ihahambng sa nakaraang taon.