Ang mga sumusunod na pagbabawal ay dapat isaalang-alang nang mabuti kapag ginagamit ang impormasyon o mga pinagkukunan ng kaalaman mula sa website ng ALPARI INTERNATIONAL:
Ang pribasiya ng mga dati at bagong kliyente, gayundin ng mga dati at bagong bumibisita sa aming website ay napakahalaga sa amin. Nakatuon ang ALPARI INTERNATIONAL sa pag-iingat sa anumang impormasyong kinakalap namin, ginagamit at tinatago tungkol sa iyo.
Kapag nagrehistro ka ng demo o live account sa ALPARI INTERNATIONAL, kinakailangan naming kumalap ng ilang personal na datos mula sa iyo para sa mga layuning pangnegosyo. Dahil nauunawaan namin ang iyong mga pangangailangang pinansyal, magiging patas ang pagturing namin sa iyo bilang isang kliyente; mabibigay namin sa iyo ang pinakanababagay na produkto at serbisyo, ang pinakaangkop na impormasyon sa mga estratehiya sa pamumuhunan o investment, mapoproseso ang iyong mga request at transaksyon, at makakapaghatid sa iyo ng mga serbisyo bago at pagkatapos ng mga transaksyon.
Pakitandaan na kapag pinasya mong tapusin ang iyong ugnayan sa ALPARI INTERNATIONAL, kailangan naming itago ang iyong Personal na Datos sa loob pa ng ilang taon.
Inilalarawan ng sumusunod ang mga dahilan kung bakit maaaring kailangan ng ALPARI INTERNATIONAL na gamitin ang iyong Personal na Datos:
Ang cookies ay maliliit na datos na nakatago sa isang web browser kapag bumisita ka sa website sa unang pagkakataon. Kapag binibisita mo ulit ang website na iyon sa hinaharap, ang pagtatago ng cookies sa iyong browser ay magbibigay-daan sa website na maalala kung paano ka nag-browse rito noong una. Halimbawa, maaari nitong maalala ang iyong username at password. Ang cookies ay ginagamit sa website na ito upang makapag-alok kami sa aming mga user ng mas naaangkop na karanasan sa pagba-browse.
Kung hindi ka sumasang-ayon sa aming Patakaran sa Cookies pwede mong i-disable ang Cookies at maa-access mo pa rin nang normal ang website.
Ang ALPARI INTERNATIONAL ay nakatalaga sa pag-iingat ng iyong Personal na Datos sa pamamagitan ng pagsunod sa mahihigpit na pamantayang panseguridad at paggamit ng pinakanapapanahong teknolohiya sa seguridad.
Kapag in-access mo ang website na ito, ibinibigay mo ang iyong pahintulot sa ALPARI INTERNATIONAL na itago, gamitin, at isiwalat ang iyong Personal na Datos alinsunod sa Pahayag sa Patakarang na ito.
Bilang pagsunod sa Batas sa Proteksyon ng Datos (Data Protection Act), ang bawat user ay binibigyan ng ilang karapatan kaugnay ng kanilang Personal na Datos. Kasama sa mga karapatang ito ang pag-access at/o pagbabago ng iyong Personal na Datos, pagpapahinto sa paggamit ng datos na ito at pagpigil sa hindi kanais-nais na marketing. Titiyakin ng ALPARI INTERNATIONAL na protektado ang iyong personal na datos alinsunod sa mga naaangkop na Batas at Regulasyon para sa proteksyon ng Personal na Datos.
Kung mayroon kang anumang mga tanong na hindi natalakay sa Patakaran ng Pribasiya na ito, o iba pang alalahanin tungkol sa paggamit ng Personal na Datos, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng email sa [email protected] o sa telepono bilang + 44-8458-690980.