Naunahan ng henerasyong Millennial ang mga Baby Boomer bilang pinakamalaking henerasyon ng Amerika noong 2018. Natural lang na ang takbong ito ay may ilang implikasyon sa ekonomiya, negosyo at pananalapi. Bilang pinakamalaki at pinakapinag-aaralang henerasyon sa kasaysayan, ang mga Millennial ang naging pokus ng pagsasaliksik lalo na pagdating sa pera.
Kasunod ng recession noong 2008, hinaharap ng mga mas batang henerasyon (Mga Millennial, Generation X at Z) ang lumalaking pasang pinansyal at pang-ekonomiya. Ang napakalaking utang sa student loan, mga mababang sahod ayon sa kasaysayan at kakulangan ng seguridad para sa pagreretiro ay ilan lang sa mga isyu na dapat harapin agad ng mga kabataan ngayon. Ngunit habang hinaharap ang lumalaking kawalang katiyakang pinansyal sa kanilang buhay, naghahanap ang mga mas batang henerasyon ng mga bagong paraan para makontrol ang kanilang kalagayang pinansyal. Bilang mga tunay na digital nomad, naghanap sila at natagpuan ang sagot online. Para mas partikular, ito’y nasa pag-trade ng commodity at pamumuhunan.
Lumabas ang pag-trade ng commodity options nitong nakaraang dekada. Ang average na volume araw-araw para sa pag-trade ng options ay tumaas mula 11.4 milyon noong 2007 hanggang 16.5 milyon noong 2017, ayon sa datos mula sa The Options Clearing Corp. Ito ay tumataginting na 45% pagtaas.
May dahilan kung bakit tumataas ang interes sa pag-trade ng commodity dahil kinakatawan nito ang isang exciting at sopistikadong uri ng pamumuhunan. Ngunit ano ba talaga ang pag-trade ng commodity?
Ang uri ng pag-trade na ito ay medyo katulad ng pag-trade ng stocks. Gayunpaman, ang panungahing kaibahan ay ang asset na tine-trade. Ang pag-trade ng commodity ay tungkol sa pagbili at pag-trade ng pisikal na mga commodity tulad ng ginto, pilak, platinum sa halip na shares at bonds ng kumpanya.
Ang pag-trade ng mga commodity online ay isang medyo simpleng proseso. Kailangan nito ng access sa isang exchange at pangunahing pag-unawa sa kung ano ang mga commodity at kung paano sila tumutugon sa mga pagbabago at takbong pang-ekonomiya, politikal at sa merkado. Sa sandaling may mahusay kang pag-unawa ng mga pangunahing kaalaman, dapat kang pumili ng isang maaasahang broker ng commodity. Laging mas okay na pumili ng isa na nag-aalok ng online na pag-trade.
Ang kilalang broker na Alpari ay isa sa naturang platform. Nag-aalok ang Alpari ng napakalaking koleksyon ng mga de-kalidad na impormasyon sa personal na pananalapi online at mga libreng tool na susuporta sa iyong mga layuning pinansyal. Ang versatile na trading platform ay laging nabibilang sa pinakanangunguna pagdating sa functionality, kadaliang gamitin, at metrics tulad ng mga tsart, quote, pag-analisa ng estratehiya, pati na rin pagpasok ng order. Ang kumbinasyon ng mahusay na produkto, mabuting serbisyo, at mababang mga rate ng komisyon ang dahilan kung bakit isa ang Alpari sa mga mas ginugustong online broker para sa pag-trade ng commodity.
Ang commodity ay isang produkto na nagmumula sa Lupa – ito ay tinanim o natural na nabubuo sa kapaligiran. Kadalasan, ito ay isang hindi naprosesong bagay na maaaring iproseso at muling ibenta para posibleng tumubo.
Kabilang sa pinakakaraniwang mga halimbawa ng mga commodity ang mahahalagang metal (ginto, pilak, platinum), cotton, trigo, baka, tabla, langis, natural gas, kape, asukal. Maraming mga commodity ang mapagpipilian ngunit may ilang asset ang mas popular kaysa sa iba.
Sa pangkalahatan, ang langis na krudo, ginto, at pilak ang pinakatine-trade na mga commodity. Kabilang ang mga ito sa mga internasyonal at lokal na pamilihan kasama ng iba pang mga commodity at pares-pares sa mga fiat currency (USD, EUR). Ang mga presyo ng mga commodity ay tinutulak ng iba’t ibang salik. Bukod sa demand at supply – ang mga trade deal na pang-internasyonal, lokal na patakaran, insentibong pang-ekonomiya, pagkatuklas ng bagong deposito, at pag-unlad ay lahat nakakaapekto sa paggalaw ng merkado.
Hanggang kamakailan lang, ang merkado ng mga commodity ay karamihang nakareserba para sa malalaking kumpanya at mga institusyonal na mamumuhunan. Gayunpaman, ang mga indibidwal na mamumuhunan ay nakakuha rin ng daan papasok sa pamamagitan ng mga lisensyadong broker ng commodity na nag-ooperate sa mga commodity exchange, tulad ng New York Mercantile Exchange, Chicago Mercantile Exchange (CME Group), Tokyo Commodity Exchange, London Metal Exchange, European Energy Exchange, Moscow Energy Exchange, at iba pa.
Ang parehong kumpanya at indibidwal na mga mamumuhunan ay maaaring mag-trade ng mga commodity. Bagama’t hindi kailangan ng mga indibidwal na mamumuhunan ang mga commodity na katulad ng mga kumpanya, maaari silang tumubo sa mga pagbabago sa mga presyo ng commodity. Para tumubo sa merkado ng mga commodity, dapat bilhin o i-trade ng mga mamumuhunan ang commodity sa tamang oras depende sa mga galaw ng presyo. May ilang paraan na maaaring gamitin ng mga mamumuhunan para mag-trade ng mga commodity:
Ang parehong paraan ng pag-trade ng commodity ay nangangailangan ng pinag-aralang mabuti na plano sa pag-trade at pagsasanay bago pa man. Pinakamainam ang maghanap ng isang broker ng commodity tulad ng Alpari na nag-aalok ng mga simulation na maaaring gamitin para magsanay bago ka mamuhunan ng aktwal na pera. Gagawin kang pamilyar ng pagsasanay at mga simulation sa interface ng broker, pati na rin ang mekanismo ng paglalagay ng order. Marami sa mga baguhang trader ay nawawalan ng pera dahil sa mga kritikal na pagkakamali sa pagpasok ng order, kaya pinakamainam na hindi magmadali at bumuo ng isang malinaw at mahusay na plano para sa paglalaro sa mga merkado.
Para maging matagumpay sa pag-trade ng commodity, kailangan mo ng disiplina at maingat na pagsasaalang-alang ng mga inaasahang pag-trade para maiwasan ang sobrang pag-trade. Ang pokus ay dapat sa kalidad hindi sa dami dahil mas sulit ang ilang labis na pinag-isipang pag-trade kaysa sa maraming karaniwan na pag-trade.
Nagsisimula ang pag-trade ng commodity sa pagkakaroon ng pangunahing pag-unawa ng merkado at ang mga pangunahing puwersa na nagtutulak sa mga presyo na commodity pataas at pababa. Depende kung nagte-trade ka ng commodity na futures o options, kailangan mong tandaan na ang mga ito ay mga deribatibo ng aktwal na merkado para sa pisikal na paghahatid ng commodity na napagpasyahan mong i-trade.
Samakatuwid, mahalagang matutunan ang mga pangunahing kaalaman sa supply at demand para sa asset na pinag-iisipan. Nag-aalok ng datos, balita at mga update sa commodity nang libre ang lahat ng mga commodity exchange sa buong mundo, pati na rin iba’t ibang trade organization at ahensya ng gobyerno. Gayunpaman, para manatiling may kaalaman sa mga biglaang paggalaw ng merkado, pinapayuhan ang mga trader na idagdag ang Google alerts at mga serbisyo para sa propersyonal na subscription.
Ang pag-unawa ng mga merkado ng commodity at kung ano ang nagpapasya ng direksyon sa hinaharap ng mga presyo ng commodity ay nakasalalay sa kumbinasyon ng parehong teknikal at pangunahin (fundamental) na pag-analisa. Ang teknikal na pag-analisa ay ang pag-aaral ng mga pattern at price momentum sa mga tsart.
Ang pangunahing pag-analisa (fundamental analysis), sa kabilang banda, ay tumutukoy sa pagtipon at pag-interpret ng datos sa supply at demand. Pagdating sa mga presyo ng commodity, ang dalawang pinagkukunan na ito ang nagbibigay ng pinakamainam na kabatiran sa mga pangunahing kaalaman sa paggalaw ng merkado at pag-trade ng commodity.
Nagaganap ang lahat ng pag-trade ng commodity online sa pamamagitan ng mga nakarehistrong broker na sumusuporta sa mga produktong interesado ka. Pagkatapos pumili ng online na broker ng commodity, kailangan ng mga trader na magbukas ng account at dumaan sa prosesong KYC (Know Your Customer) bago makatanggap ng pag-apruba sa pag-trade.
Bilang karaniwang gawi para maiwasan ang pagpopondo sa terorismo at anumang mga aktibidad sa pag-launder ng pera, kinakailangan ng mga online commodity broker ang pagsisiwalat ng impormasyong pinansyal at pagsang-ayon sa mga pakikipagsapalarang haharapin sa pag-trade ng mga commodity. Kailangan ng mga trader ng mabuting pag-unawa ng datos na isiniwalat dahil ang mga commodity ay highly leveraged na mga asset. Laging may tsansang mawalan ng mas malaking pera ang isang tao kaysa sa kanyang paunang pamumuhunan. Samakatuwid, kailangan ng broker ng impormasyon sa kita, net worth, at pagiging mapagkakatiwalaan sa pananalapi (creditworthiness) ng lahat ng aplikante.
Bilang karaniwang gawi para maiwasan ang pagpopondo sa terorismo at anumang mga aktibidad sa pag-launder ng pera, kinakailangan ng mga online commodity broker ang pagsisiwalat ng impormasyong pinansyal at pagsang-ayon sa mga pakikipagsapalarang haharapin sa pag-trade ng mga commodity. Kailangan ng mga trader ng mabuting pag-unawa ng datos na isiniwalat dahil ang mga commodity ay highly leveraged na mga asset. Laging may tsansang mawalan ng mas malaking pera ang isang tao kaysa sa kanyang paunang pamumuhunan. Samakatuwid, kailangan ng broker ng impormasyon sa kita, net worth, at pagiging mapagkakatiwalaan sa pananalapi (creditworthiness) ng lahat ng aplikante.
Sa sandaling maipasa ng trader ang pagbeberipikang KYC at proseso ng pag-apruba, ang susunod na hakbang ay ang pondohan ang account. Nasa indibidwal nakasalalay ang pagtukoy kung anong halaga ng pagpopondo o laki ng account ang komportable siya batay sa kanyang comfort level at kakayahang makipagsapalaran.
Bago magsimulang mag-trade ng mga commodity gamit ang totoong pera, mahalagang bumuo ng isang pinag-aralang mabuti na plano ng pag-trade. Maraming broker ng commodity ang nag-aalok ng mga demo account na maaaring pagsanayan bago magsimulang gumamit ng aktwal na pera. Ang pagsasanay gamit ang isang demo account ay ang pinakamabuting paraan para gawing pamilyar ang sarili sa platform ng broker, pati na rin ang matuto kung paano bumuo ng isang malinaw at mahusay na plano para sa paglalaro ng merkado.
Bago mag-trade ng mga commodity online, dapat isaalang-alang ng mga trader kung anong mga pag-trade ang gagawin at iwasan ang sobrang pag-trade. Sa pag-trade ng commodity, mas mabuti ang ilang potensyal na kikitang pag-trade kaysa sa maraming mga pag-trade. Ang isa sa mga nagdudulot ng pinakamatinding pagbagsak ng mga trader ng commodity ay ang pagiging hindi mapili at ang paggawa ng napakaraming mga pag-trade.
Ang pag-unawa ng mga commodity ay nangangailangan ng partikular na atensyon sa pinagbabatayang mga pangunahing kaalaman sa supply at demand para sa uri ng asset na iyon. Pagdating sa mga commodity, may iba’t ibang mahahalagang salik na dapat isaalang-alang. Una ang kaibahan sa pag-trade ng mga spot commodity at pag-trade ng mga commodity futures at options.
Ang pag-trade ng spot commodity ay nauugnay sa inaasahan sa aktwal na paghahatid, samantalang ang pag-trade ng mga commodity futures at options ay nauugnay sa mga deribatibo ng aktwal na merkado para sa pisikal na paghahatid ng commodity na isinasaalang-alang.
Ang mga spot commodity ay ang mga commodity na tine-trade sa kasalukuyang merkado. Kasangkot dito ang mga diretsang transaksyon kung saan may bumibili at nagbebenta at hinahatid kaagad ng nagbebenta ang commodity pagkatapos maayos ang transaksyon. Ang spot commodity ay naiiba mula sa futures na transaksyon kung saan nagkasundo ang bumibili at nagbebenta na magpalitan ng commodity sa isang punto sa hinaharap.
Nangangahulugan ito na ang mga spot commodity ay dapat handa para sa agarang pagbenta at paghahatid, dahil ang karamihan sa mga transaksyon ay tinatapos sa loob ng ilang araw pagkatapos maisagawa ang pag-trade. Dahil dito, ang presyo ng spot commodity ay mas nakalantad sa mga paggigipit ng supply at demand sa merkado kaysa sa mga futures na kontrata. Ang mga future na kontrata ay nagtutukoy ng presyo para sa paghahatid ng isang partikular na dami ng isang partikular na commodity sa isang petsa sa hinaharap.
Ang pag-trade ng mga spot commodity ay sumasalamin din sa pagkamadaling masira (perishability) ng nasabing commodity dahil ang salik na ito ay nakakaapekto sa pagbabago-bago ng spot price. Ang mga panahon kung kailan sobra-sobra ang supply ay kadalasang nagreresulta sa pagiging mas mataas ng halaga ng pagkasira (spoilage) kaysa sa halaga ng paghawak ng commodity.
Samakatuwid, mahalagang matutunan ang pinagbabatayang mga pangunahing kaalaman sa supply at demand para sa mga spot commodity. Ang mga commodity exchange, trade organization, at ahensya ng gobyerno ay karaniwang nagbibigay ng datos sa commodity nang libre.
Sa mga merkado para sa enerhiya, ang API at EIA ang pinakamahusay na pinagkukunan ng impormasyon.
Sa mga merkado ng butil (grain), soft commodity, at protina ng hayop, ang Kagawaran ng Agrikultura ng Estados Unidos ay nag-iisyu ng lingguhan at buwanang mga ulat kung saan kabilang ang malalim na datos at pag-analisa.
Ang pag-trade ng mga spot commodity ay nangangailangan ng pagtutuon sa at pag-unawa ng supply at demand o pangunahing pag-analisa. Kasabay nito, ang merkado para sa spot commodity ay labis na pabago-bago at punong-puno ng pakikipagsapalaran. Bagama’t may malaking pagkakataon para makakuha ng malaking balik, mayroon ding kasinlaking pakikipagsapalaran.
Walang mga paghihigpit sa mga uri ng trader na maaaring maging aktibo sa merkado ng mga commodity. Karaniwan, ang mga trader na nagdi-deal sa mga raw material na ginagamit sa simula ng production chain ang mga interesado sa mga spot commodity. Kabilang sa mga halimbawa ang tanso para sa konstruksyon o mga butil (grain) para sa pakain sa hayop. Ang mga trader na ito ay kayang kumilos nang mag-isa o nagtatrabaho para sa mga kumpanya, manufacturer, o iba pang malalaking tagagawa ng commodity.
Mabilis na nagaganap ang pag-trade ng spot commodity dahil kadalasan, sinusubukan ng mga trader na makuha ang pinakamainam na presyo sa mga bilihin habang sabay na nagbibigay ng mga kaakit-akit na bid sa mga customer. Gayunpaman, ang mga independienteng trader ng commodity na kumikilos bilang mga broker-dealer ay aktibo rin sa merkado. Bilang karagdagan, ang mga propesyonal na trader na nagtatrabaho para sa mga brokerage firm ay nag-aambag sa pagbuo ng isang malawak at liquid na merkadong internasyonal para sa mga commodity.
Ang pag-trade ng mga spot commodity ay maaaring ituring minsan na isang paghahaka-haka at pagsubok na kumita sa mga maliliit na paggalaw ng mga presyo ng commodity. Sa kasong ito, hindi naman talaga kailangan ng trader ang partikular na asset na kanyang tine-trade ngunit sumusubok na makakuha ng exposure sa pamamagitan ng mga kontrata sa forwarding at futures. Ang mga posibleng estratehiya rito ay pahabain ito kung naniniwala silang pataas ang mga presyo o paikliin kung inaasahan nilang babagsak ang mga presyo ng commodity.
Pag-trade man sa mga spot commodity, futures o derivative – kailangang mag-ingat ng mga trader sa mga merkado ng commodity. Ang mga commodity ay mga pabago-bagong instrumento at kadalasan, kailangan ng mga trader na tumugon nang mabilis sa mga kaganapang nakakaapekto sa merkado. Ang mga potensyal na balik mula sa pag-trade ng on the spot commodity na merkado ay mataas ngunit ang potensyal na pagkalugi ay kasing-taas din.
Sa paglaganap ng online na pag-trade, ang bilis at kahusayan ng pagpapatupad ay napabuti. Gayunpaman, hindi nito inaalis ang pangangailang magsagawa ng kontrol at katumpakan ng mga trader kapag nagte-trade ng mga spot commodity. Ang pagiging dalubhasa sa pag-trade online ay nangangailangan ng antas ng kahusayan na nagmumula sa pagsisipag at pag-aaral. Dapat bahagi ng proseso ng pag-trade ng commodity ang pagbisita at pagiging pamilyar sa mga sanggunian ng isang online broker.
Ang pag-trade ng commodity ay maaaring maging isang matagumpay na pakikipagsapalaran sa pagtagal kung ang napiling broker ay nagbibigay ng isang mapagkakatiwalaan, maaasahan at advanced sa teknolohiya na kapaligiran sa trading. Ang pagpili ng isang kilala, maaasahan, at pinangangasiwaang online broker ay nagpapataas sa tsansa mong magtagumpay sa pag-trade ng mga commodity, Forex, metal, at commodity futures CFD.