Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.
Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.

Mga Kahulugan

Katawagan ng Alpari CopyTrade

Alpari CopyTrade

Nilikha ng Alpari International ang Alpari CopyTrade bilang isang shortcut sa mga market. Ang mga investor ay pipili ng isang naaangkop na Strategy Manager na susundan at pondohan ang kanilang mga account - tapos ay ang mga Strategy Manager at ang aming copy trading software ang bahala na sa iba. Babantayan ng mga manager ang mga market at ipa-plano ang kanilang mga trade. Awtomatikong kinokopya ng mga Investor account ang mga trade na iyon at ang parehong panig ng benepisyo kapag ang performance ng Strategy Manager ay positibo.

Investor

Kung sumusnod ka sa isang Strategy Manager, sa gayon ikaw ay isang Investor. Ang pangunahing benepisyo ng pagiging isang Investor ay maaari kang kumita mula sa mga market, kahit na wala kang panahon o tiwala sa sarili para mag-trade. Ito ay isang napakahusay na paraan para matuto ng mga kakayahan mula sa isang mas bihasang trader habang sumusulong ang iyong portfolio. Maaari mong pondohan ang iyong account at simulang mamuhunan kahit sa kasimbaba ng $100.

Strategy Manager

Ang Mga Strategy Manager ay humahawak sa mga kakayahan, kaalaman at karanasan na hinasa nila para dagdagan ang kita nila mula sa alinman sa kanilang mga mapagkikitaang mga posisyon. Bilang kapalit ng kanilang estratehiya, ang Mga Investor ay magbabayad ng isang porsiyento ng mga kita na maaari nilang makuha (ang bahagi ng kita) sa Strategy Manager.

Pagkaka-pause ng Investment Account

Napakasimple lamang i-pause ang iyong Investment account. I-click ang 'I-pause' na button - ang lahat ng posisyon ay agad na isasara.

Muling pagpapatuloy sa Investment Account

Para alisin sa pagkaka-pause ang iyong Investment account, i-click ang 'Muling Magpatuloy' - binubuksan nito ang lahat ng posisyon na ginagamit ng iyong Strategy Manager sa mga umiiral na presyo sa market.

Tandaan: Kung ang antas ng margin ng iyong Strategy Manager ay mas mababa sa 100%, ang iyong Investment account ay hindi mabubuksan muli.

Bahagi ng Kita

Bilang kabayaran sa isang positibong performance, ang Strategy Manager ay kumukuha ng porsiyento sa mga kita ng kanilang estratehiya sa trade na nanalo - ito ang bahagi ng kita. Ang mga bahagi ng kita ay kinukuha ng 30 araw makalipas na magdeposito ang isang Investor. Ang patakaran ng “higher water mark” ay magsisimula kung ang account ng Strategy Manager ay isasara o iwi-withdraw. Ganito ito gumagana: ipalagay na ang isang Investor ay nagdeposito ng $10,000 at ang Strategy Manager ay nagawan sila ng 50% na kita. Ang Strategy Manager ay may nakatakdang bahagi ng kita na 20%, kaya kailangan siyang bayaran ng $1,000 (20% ng $5,000 na kita). Kung ang account ng Strategy Manager ay malulugi sa loob ng isang buwan, at ang equity ng Investor ay bumaba sa $9,000, ang Strategy Manager ay hindi makakatanggap ng anumang kabayaran. Gayunman, kung ang account ay nagpapakita ng kita sa ikalawang buwan, at nakita ng Investor na ang kanilang equity ay lumalago ng hanggang $11,000, sa gayon ang bahagi ng kita ay $200 (iyon ay 20% ng $1000).

Antas ng Proteksyon

Ang Investor ay makakapagtakda ng limitasyon para makatulong na mabantayan ang kanilang puhunan mula sa matitinding pagkalugi - ito ay kilala bilang antas ng proteksyon. Sa sandaling ang kapital sa account ng Investor ay umabot sa antas na ito, ang lahat ng posisyon ay awtomatikong isasara o magpapadala ng abiso sa Investor na maaaring isara ang mga ito.

Agwat ng Oras ng Pay-Out

Ito ay isang termino para sa 30 araw na takdang panahon sa pagitan ng unang pagdeposito ng Investor at ang bahagi ng kita na binayaran sa Strategy Manager. Tandaan, ang bayad na ito ay isasagawa lamang kung ang account ng Investor ay kumikita kung ikukumpara sa huling interval.

Petsa ng Pay-Out

Sa katapusan ng agwat ng oras na pay-out, ang petsa ng pay-out ay ang araw kung kailan babayaran ang bahagi ng kita sa account ng Strategy Manager.

Safety Mode

Kung gusto mo ng karagdagang antas ng proteksyon sa iyong mga pondo, ang tampok ng safety mode ay maaaring isang mabuting opsyon para sa iyo. Binabawasan ng safety mode ang iyong puhunan ng kalahati. Halimbawa, kung ang isang Investor ay nagdeposito ng $10,000 at ang estratehiya na kanilang sinundan ay nagresulta sa 20% na pagkalugi, ang investor ay karaniwang malulugi ng $2,000 (20% ng $10,000). Kapag naka-on ang safety mode, sila ay malulugi lamang ng $1,000. Mahalagang tandaan na ang limitasyong ito ay nakakaapekto rin sa magagaling na performance, kaya't anumang mga posibleng kita ay makakatamo rin ng 50% pagbabawas kapag gamit ang safety mode.

Investment Coefficient

Ito ay kumakatawan sa halaga ng aktibidad sa pagte-trade sa Investment account kung ikukumpara sa Strategy account, at kung paano naito-toggle ang safety mode. Kapag naka-on ang safety mode, ang investment coefficient ay hindi maaaring higit sa 0.5, na nangangahulugan na kalahati lamang ng mga trade ng Strategy Manager ang makokopya ng Investment account. Binabawasan nito ang posibleng mga pagkalugi at mga kita kung saan nalalantad ang Investment account. Kapag naka-off ang safety mode, ang coefficient ay 1 at ang Investment account ay humaharap sa parehong mga panganib at gantimpala bilang Strategy account. Tandaan, ang humigit-kumulang lamang ang lahat ng halaga at ang iyong Investment Coefficient factor ay maaaring mas mababa kaysa sa napili mo.

Pagraranggo

Aming binibigyan ng ranggo ang aming Mga Strategy Manager batay sa ilang mga salik. Ang pangkalahatang return (tubo) (binawasan ng bahagi ng kita) ay halatang isang mahalagang konsiderasyon, pero pati na rin ang:

Antas ng panganib – kung mayroong dalawa o higit pang mga Strategy Manager na may parehong return (tubo), iyong may mas mababang panganib ay magkakaroon ng mas mataas na pagraranggo.

Porsiyento ng drawdown – lalong mas mababa ang drawdown, lalong mas mataas ang pagraranggo

Mga araw na bukas – lalong mas maraming araw ng aktibidad sa pagte-trade, lalong mas mataas ang pagraranggo.

Buwanang Return – mas magaan ang timbang na binibigay namin sa huling 30 araw ng aktibidad sa kalkulasyon ng pagraranggo.

Kasikatan

Ang kasikatan ng Strategy Manager ay pinagpapasyahan ng ilang mga Investor na sumusunod sa kanya, at ang kabuuang halaga ng mga pondong pinuhunan sa kanyang Strategy account.

Agresyon

Ito ay nagpapakita ng antas ng panganib ng isang Strategy Manager. Ang nagpapahintulot ng pinakamababang panganib ay nauuri bilang 'konserbatibo', habang ang mag nagpapahintulot ng mataas na panganib ay 'agresibo'.

Pagbabagu-bago

Ito ang average, sa loob ng isang natakdang panahon, ng lahat ng mga positibo at negatibong pang-araw-araw na return (tubo) ng Strategy Manager. Lalong mas mataas ang pagbabagu-bago, lalong itunuturing na mas mapanganib ang Strategy Manager.

Average na Pang-araw-araw na Panalo

Ito ang average na pang-araw-araw na kita (sa porsiyento) sa loob ng lahat ng panalong (pinagkikitaang) mga araw sa account ng Strategy Manager.

Average na Pang-araw-araw na Talo

Ito ang average na pang-araw-araw na pagkalugi (sa porsiyento) sa loob ng lahat ng panalong (di pinagkikitaang) mga araw sa account ng Strategy Manager.

Pang-araw-araw na Average

Ito ang average na kita at lugi na porsiyento ng Strategy Manager.

Sharpe Ratio

Ang Sharpe ratio ay nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng panganib at return (tubo) para makatulong sa iyong makapagpasya kung sa gaano kalaking panganib ka komportable na ilantad ang iyong puhunan. Ito ay tinatantiya sa pamamagitan ng pagkukumpera sa performance sa pagte-trade ng Strategy Manager kumpara sa mga kinuhang panganib. Ang mga may mas mataas na Sharpe ratio ay karaniwang may mas mataas na tagumpay na may mas kaunting pagkakalantad sa panganib.

Recovery Factor

Habang isinasaalang-alang ang maximum na drawdown, ang recovery factor ng Strategy account ay nagpapakita kung gaano kabisa, sa pangkalahatang, ang aktibidad ng Strategy Manager. Kung ang recovery factor ay negatibo, ang estratehiya ay hindi pa nakakabawi mula sa Maximum na Drawdown.

Max na Drawdown

Ito ang pinakamalaking porsiyento ng pagkalugi na maaaring maranasan ng isang portfolio sa pagpuhunan sa isang Strategy Manager. Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng pinakamataas at pinakamababang mga resulta ng isang estratehiya sa loob ng isang tinakdang panahon.