Palakihin ang iyong potensyal na magtagumpay gamit ang mga estratehiya sa pagte-trade ng forex
May kaakabit na panganib sa pagte-trade. Maaaring mawala sa iyo ang iyong kapital.
Ang matagumpay na pagte-trade ay nangangailangan ng isang tiyak na antas ng kaalaman. Upang palakihin ang tsansa mong kumita, mahalagang malaman mo ang lahat na makakaya mo tungkol sa mga market at sa mga estratehiya sa pagte-trade sa likod nila.
Ang mga estratehiya ay magbibigay sa iyo ng isang gabay para sa iyong mga trade ng forex, at binabawasan ang mga ora-oradang pagpapasiya na hindi pinag-isipan nang mabuti. Sa pagkatuto ng mga estratehiya ng forex, matututo kang magkaroon ng mahigpit na disiplina, na mahalaga sa mahusay na pagte-trade ng forex. Gagabayan ka nila sa iyong mga trade at bibigyan ka nila ng pinakamagandang tsansang magkaroong matagumpay na kahihinatnan.
Kailanman ay hindi magandang ideyang gumawa ng mga desisyon sa pagte-trade ng forex batay sa isang kutob. Ang mga pinakamatagumpay na trader ay ang iyong mga naglaan ng maraming oras para matuto tungkol sa mga market at bumuo ng malakas na pakiramdam sa pamamahala ng panganib sa pamamagitan ng wastong paggamit ng mga estratehiya sa pagte-trade. Ang pagkatuto tungkol sa mga market ay makakatulong sa iyong simulang makita ang mga pattern, kalakaran at kondisyon sa market at, sa huli, ang mismong mga estratehiya ay pahihintulutan kang hulaan ang mga pinakamalamang na kahihinatnan.
Lahat ng pagte-trade ay mapanganib, kaya’t ang pagkatuto tungkol sa mga estratehiya ng forex ay makakatulong sa iyong pamahalaan ang panganib na iyon. Lahat ng ito ay makukuha sa karanasan, nguni’t isa sa mga pinakamagandang paraan kung paano matutong gamitin sila ay sa pamamagitan ng pagpraktis sa isang demo account, na pinahihintulutan kang subukan ang iyong mga estratehiya sa isang live na kapaligiran nang walang kaakibat na anumang panganib dahil hindi mo ginagamit ang kahit isang kusing ng iyong pera.
Ang demo na pagte-trade ay dinadagdagan ang iyong kumpiyansa para magsimulang mag-trade nang tunay, kaya’t magandang ideyang maglaan ng oras dito at magpraktis nang magpraktis sa simula.
Bago natin pag-usapan ang mga estratehiya, mabilis na tingnan natin ang ilan sa mga pinakasikat na istilo ng pagte-trade na mayroon, dahil may kinalaman sila sa isa’t-isa.
love na love ng mga baguhan ang estratehiyang ito dahil simpleng intindihin ito at subok na ito. Nangangahulugan lamang ito na lalabas ka sa trade bago magsara ang play. tinatanggal ng day trading ang panganib na maapektuhan ng posibleng malalaking galaw sa magdamag.
tumutukoy ito sa mga panandaling trade, na minsan ay hinahawakan lamang ng ilang minuto. Ang scalping ay tungkol sa pag-asa na matalo ang bid/offer spread nang mabilis, at posibleng kumita ng ilang punto bago magsara ang trade.
ito ang estratehiya ng bihasang trader at nangangailangan ito ng maraming pasensya at disiplina. Mag-ingat dito kung baguhan ka lang sa pagte-trade. Tinitingnan nito ang mga pangmatagalang kalakaran at nilalayon nitong makakuha ng pinakamalaking kita mula sa malalaking pagbabago sa mga presyo.
ang mga swing trader ay umaasang kumita mula sa mga panandaliang pattern ng presyo, at titingnan ang mga bar bawat 30 minuto o higit pa.
Kapag nalaman mo na kung aling istilo ang pinakanaaangkop sa iyo, oras na para magsimulang galugarin ang mga estratehiya. Narito ang ilan sa mga pinakasikat.
ito ay kung kailan ginagamit ng mga trader ang aksyon ng presyo sa mga currency upang ikalkula ang pinakamagandang presyo ng pagbili, at ito ay isang estratehiyang sikat sa mga baguhan pati na rin sa mga beteranong trader.
sumusunod ito sa mga linya ng serye ng Fibonacci (hal. 1, 3, 5, 8, 13, atbp.) Ginagamit ng mga trader ang serye sa ibabaw ng kanilang mga tsart ng presyo upang hulaan ang mga posibleng rate ng market sa hinaharap.
maraming trader ang gumagamit sa estratehiyang ito kapag gumagalaw ang mga currency sa isang karaniwang kalakaran; ito lamang ang sukatan ng standard deviation o pagbabagu-bago ng isang presyo ng sapi. Ang Bolly Band ay bumubuo ng limit sa panandaliang galaw ng presyo.
Ito ay isang pagpapabuti ng Daily Fibonacci Pivot Trade at kinakailangang i-map ng trade ang mga serye ng Fibonacci sa parehong kalakalan nguni’t sa magkakaibang punto. Kung nagkakatugma ang mga punto, nagpapahayag ito ng malakas na lugar ng suporta.
Sikat sa pagte-trade ng ginto, ito ay isang uri ng pagte-trade na tinitingnan ang mga halagang bumabagsak mula sa kanilang presyo sa pagbubukas, at mabilis na umaakyat pabalik sa o malapit sa presyo sa pagsimula nito. Ang mga trader na gumagamit nito ay magkakaroon ng magandang ideya ng mga linya ng resistensya at suporta.
ang mga fractal ay mga pattern na kinikilala ng mga trader bilang kumukumpirma ng isang pagbaliktad. Sa isang bullish turn, ang fractal ay mukhang isang depresyon sa gitna, na may katabing mga mas mataas na punto. Sa isang bearish turn, may bumubuong tuktok na may mga mas mababang punto sa bawat panig.
ito ay kung kailan ang mga stochastic fluctuation ay sumesenyas ng isang kalakaran na malamang na babaliktad, na isang palatandaan sa mga trader na dapat nilang baguhin ang posisyon nila sa isang asset.
ang kasalungat ng Pop ‘n’ Stop, kung saan ang isang asset ay babagsak, mag-aatubili at gagalaw sa isang malinaw na direksyon. Kapag tama ang timing mo, maaari mong pakinabangan ito.
ang isang Pop ‘n’ Stop ay kung saan pinapakinabangan ng mga trader ang isang mabilis at madalas na pansamantalang breakout mula sa isang mahigpit na range, na maaaring madaling kaligtaan. Oobserbahan ng mga trader ang mga teorya ng aksyon ng presyo at mga rejection bar candle pattern upang makilala ang pagkakataong ito.
Subukan ang mga estratehiya sa isang demo account.
Nabanggit na namin ang demo account nguni't mahalagang muling ulitin ito. Makakapagpraktis ka at matututunan mo ang lahat ng pasikut-sikot ng trade sa isang demo account sa pamamagitan ng pag-eksperimento sa alinman sa mga estratehiya sa itaas. Ang pagpraktis ng iyong mga estratehiya nang walang panganib na mawala ang anumang tunay na pera ay isang malaking bentaha para sa mga baguhang trader.
Ang matagumpay na pagte-trade ay nangangailangan ng kaalaman at kumpiyansa—na parehong mahahasa sa iyong demo account sa sarili mong oras.
Binibigay sa iyo ng demo account ng Alpari International ang mga kagamitan para mag-trade sa mga tunay na kondisyon ng market. Ito ang lugar kung saan mo magagawa ang lahat ng pagkakamaling gusto mo nang walang anumang konsekwensya sa iyong kapital, maihahanda ang iyong isipin (hal. Matuto kung paano kontrolin ang iyong mga damdamin at maging mas mapasensya) at madadagdagan ang kumpiyansang magsimulang mamuhunan ng iyong sariling pera.
May kaakabit na panganib sa pagte-trade. Maaaring mawala sa iyo ang iyong kapital.