Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.
Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.

Gabay ng Baguhan sa Pagte-trade ng Forex

Hindi sigurado kung saan magsisimula? Payagan na tulungan ka ng aming gabay sa pagte-trade ng forex.

intro image

Nakatuon nang husto ang koponan ng Alpari International sa pagbibigay ng perpektong karanasan sa pagte-trade ng forex, ikaw man ay dalubhasa nang investor o baguhan sa forext market. Kung nagsisimula ka pa lang sa markets, o gusto mong magrepaso, ang bagay namin sa pagte-trade ay dinisenyo para ipaliwanag ang mga terminolohiya at sagutin ang mga tanong na pinakamadalas na tinatanong ng mga trader.

Gamit ang gabay namin, mas mabilis kang makakapag-trade at mas madadagdagan ang lakas ng loob mo sa lalong madaling panahon.

Ano ang forex

Ano ang forex?

Ano ang pagte-trade ng forex

Ano ang pagte-trade ng forex?

Ano ang forex broker?

Ano ang ginagawa ng mga forex broker?

Ano ang forex?

Ang forext ay ang pinaikling bersyon ng foreign exchange (na minsan ang daglat ay FX) at ang pandaigdigan, desentralisadong trading market ng mga currency o pera ng mundo. Ang mga trader, investor, bangko at palitan ay bumibili, nagbebenta at nakikipagsapalaran sa mga currency na ito, at ang resulta ay natutukoy ng aktibidad na ito ang halaga ng foreign exchange.

Ano ang pagte-trade ng forex?

Sa forex, ang lahat ng pagte-trade ay naisasagawa sa pamamagitan ng tinatawag na ‘interbank’ market. Ito ay isang online na channel kung saan isinasagawa ang pagte-trade nang 24/5. Tinataya ng iba na ang kabuuang volume ng pagte-trade araw-araw ay $5 trilyon – dahilan kung bakit ito ang isa sa pinakamalalaking trading market sa mundo.

Ano ang ginagawa ng mga forex broker?

Gaya ng lahat ng broker, ang isang forex broker ay tumatayong ahente na tumutulong sa mga trader na i-access ang interbank na nagsasagawa ng pagte-trade ng forex. Ang Alpari International ay isa sa mga pinakakilalang forex broker sa mundo. Nagbibigay kami ng iba-ibang opsyon na nababagay sa maraming iba-ibang kliyente na pinangangalagaan namin. Anuman ang mga layunin mo sa pagte-trade, ang saklaw ng mga account namin ay dinisenyo upang makatugon sa bawat layunin. Pwede mong tingnan ang iba-iba naming account sa pagte-trade ng forex dito at kung nagsisimula ka pa lang, iminumungkahi namin na magbukas ka ng demo account para makapagsanay mag-trade nang hindi isinasasapalaran ang totoong pera.

Ano ang pares ng currency?

Ang kabuuang ideya ng forex ay ang paghula sa pabago-bagong halaga ng currency sa pagitan ng dalawang bansa. Ang dalawang currency na ito ay tinatawag na ‘pares ng currency’ at binubuo ito ng batayang (base) currency at ang pangalawang (quote) currency. Ang pinakatine-trade na pares ng currency ay ang Euro sa US Dollar, na karaniwang ipinapakita bilang EUR/USD.

Batayang (base) currency

Euro
 

EUR

Pangalawang (quote) currency

US Dollars
 

USD

Presyo ng Pagbili (Bid Price)

Magbenta ng 1 Euro sa halagang 1.0916 US Dollars

1.0916

Presyo ng Pagbenta (Ask Price)

Bumili ng 1 Euro sa halagang 1.0918 US Dollars

1.0918

Spread o Kaibahan sa Presyo ng Pagbili at Pagbenta

Ask Price - Bid Price

1.0918 - 1.0916 = 0.0002 (2 pips)

Pips

Ask Price - Bid Price

1.0918 - 1.0916 = 0.0002 (2 pips)

Ano ang batayang (base) currency?

Ito ang unang pangkat ng currency na lalabas sa pares ng forex. Ito ang binibili o ibibenbenta para sa pangalawang (quote) currency. Sa halimbawa sa itaas, ang EUR ay ang batayang (base) currency.

Ano ang pangalawang (quote) currency?

Ito ang pangalawang currency na lumalabas sa pares at kilala rin bilang ang ‘counter currency’. Sa halimbawa sa itaas, ang USD ay ang pangalawang (quote) currency.

Ano ang pinakamababang presyo (ask price)?

Ito ang presyo na hihingin ng trader kapag ibinebenta ang pares ng currency. Palagi ring nag-iiba ang presyo ng pagbebenta (ask price) at natutulak ito ng pangangailangan ng market, bagama’t naaapketuhan din ito ng mga salik ng ekonomiya at politika.

Ano ang presyo ng pagbili (bid price)?

Ito ang presyo ng pares ng currency na kayang bilhin ng isang trader. Palagi itong nag-iiba-iba.

Ano ang spread (kaibahan sa presyo ng pagbenta at pagbili)?

Ang spread ay ang resultang makukuha mo kapag binawas mo ang bid price (presyo ng pagbili) sa presyo ng pagbenta (ask price). Ang resulta ay ang halaga ng trade at napakahalaga nito para sa mga forex trader. Madalas mong maririnig ang terminong ‘tight spread’ – at ang ibig sabihin nito ay mababa ang mga gastusin sa pagte-trade.

Ano ang pips?

Ang pip ay pinaikling bersyon ng ‘point in price’ (pero pwede rin itong mangahulugang ‘percentage in point’ at ‘price interest point’ depende kung sino ang tatanuning mo). Para mas maunawaan ito, ginagamit namin ang pips para sukatin ang galaw ng presyo at mga pagbabago sa pares ng currency. Karaniwang tinatantiya ang pips sa hanggang limang decimal point.

Mapanganib na Pagte-trade

Paano ba ang isinasagawa ang pagte-trade ng forex?

Ang pagte-trade ng forex ay ang pagbili at pagbebenta ng mga currency – at ang layunin nito ay ang kumita. Palaging dalawang currency ang kalahok sa pagte-trade ng forex, ang batayang (base) currency at ang pangalawang (quote) currency. Ang kaibahan sa presyo ay kung saan ka kikita o malulugi.

Mapanganib ba pang pagte-trade ng forex?

May mga panganib talaga sa kahit anong uri ng pagte-trade at dapat itong tandaan palagi, ngunti pwede rin itong magdulot ng kita at ito ang dahilan kung bakit napakaraming tao ang gumagawa nito. Muli, hinihikayat ka naming simulan na ang pagte-trade gamit ang demo account kung baguhan ka sa pagte-trade ng forex. Kapag handa ka nang magkaroon ng live account, dapat ay palagi mong isaalang-alang ang mga kalakip na panganib.

Ano ang posisyon?

Ang posisyon ay isang trade na kasalukuyang isinasagawa. Sa pagte-trade, pwede kang kumuha ng matagal at mabilis na mga posisyon:

  • Matagal (long) na posisyon: ito ay kapag bumili ang trader ng currency at inaasahan niyang tataas ito. Kapag naibenta na uli ang currency, ituturing nang sarado ang matagal (long) na posisyon.
  • Mabilis (short) posisyon: ito ay kapag nagbenta ang trader ng currency dahil inaasahan niyang bababa ito. Kapag naibenta na uli ang currency, ituturing nang sarado ang mabilis(short) na posisyon.
EUR/USD - Matagal (long) na Posisyon
EUR/USD - Mabilis (short) na Posisyon

Ano-anong pares ng currency ang pinakasikat sa pagte-trade ng forex?

Bagama’t posibleng i-trade ang kahit anong currency, may ilang pares na tuloy-tuloy na pinakamadalas na tine-trade. Ang tawag dito ay mga Pangunahing (major) pares (nakasaad na sa pangalan) – ang mga ito ay bumubuo sa 80% ng kabuuang volume ng pagte-trade sa forex market.

Ang mga pangunahing pares na ito ay kaugnay ng mga matatag na ekonomiya, samakatuwid, hindi ito masyadong nag-iiba-iba at mabilis na nabibili. Kabilang sa halimbawa ng mga pangunahing pares ay ang EUR/USD, ang USD/JPY (ang US Dollar at ang Japanese Yen), GBP/USD (British Pound at ang US Dollar) at angUSD/CHF (ang US Dollar at ang Swiss Franc). Ang isa pang katangian ng mga pangunahing currency ay mas maliit ang panganib na manipula ang mga ito at karaniwang maliit ang spread.

Ano ang mga cross na pares ng currency (cross currency pairs)?

Kilala rin ito bilang Crosses, at ito ay mga pares na hindi nagbibilang sa US Dollar – na agad na matuturing na mas paiba-iba at mas hindi nabibili agad kung ihahambing sa mga Pangunahin (Majors). Bagama’t kasama ang US Dollar sa bawat pangunahing pares, ang Crosses ay mas nakatuon sa mas ‘minor’ na currency na gaya ng EUR at GBP at iba pa. Kabilang sa mga sikat na pares sa pamilya ng Crosses ang EUR/GBP, ang GBP/JPY at ang EUR/JPY.

Ano ang mga kakaibang (exotic) pares?

Mga kakaibang (exotic) pares – o tinatawag na Exotics – ay mga currency na mula sa maliliit na ekonomiya at tinatawag na emerging markets. Karaniwan silang ipinapares sa pangunahing currency. Dahil ang mga ito ay nasa pangkat ng mga hindi agad nabibili at mas paiba-iba sa tatlong pangkat, ang mga ito ang itinuturing na pinakamapanganib na i-trade.

Kabilang sa mga halimbawa ang USD/MXN, GBP/NOK at CHF/NOK.

Ano ang ma daglat ng pinakakaraniwang mga currency?

Para maging madali, ang forex ay umaasa sa mga daglat para sa iba-ibang currency. Narito ang halimbawa ng pinakapinag-uusapang mga currency:

EUR: Euro

USD: US Dollar

JPY: Japanese Yen

GBP: British Pound

CHF: Swiss Franc

AUD: Australian Dollar

CAD: Canadian Dollar

NXD: New Zealand Dollar

MXN: Mexican Peso

NOK: Norwegian Krone

DKK: Danish Krone

CNY: Chinese Yuan Renminbi

Ano-ano ang palayaw ng lahat ng pares?

Sa pagte-trade ng forex, ang iba-ibang kombinasyon ng pares ng currency ay nakagawa ng sari-sarili nitong mga palayaw. Ang ilan ay madaling intindihin, ang ilan naman ay may-kinalaman sa kasaysayan. Tingnan ang mga ito sa ibaba:

PANGUNAHIN O MAJORS:

EUR/USD “Fiber”

USD/JPY “Gopher”

GBP/USD “Cable”

USD/CHF “Swissie”

AUD/USD “Aussie”

USD/CAD “Loonie”

NZD/USD “Kiwi”

MINORS:

EUR/GBP “Chunnel”

EUR/JPY “Yuppy”

GBP/JPY “Guppy”

NZD/JPY “Kiwi Yen”

CAD/CHF “Loonie Swissy”

Mga chart ng forex

Maraming pagte-trade sa forex ang gagamit ng mga chart at magpapakita ng mga galaw sa markets. Karaniwang kabilang dito ang isa sa tatlong uri ng chart: ang Japanese Candlestick, ang Bar at ang Line.

Ang Japanese Candlestick Chart,

Japanese Candlestick Chart

o simpleng Candlestick Chart, ay nagbibigay ng maraming impormasyon, kaya ito ang isa sa pinakasikat na chart para sa mga forex trader. Dahil simple ang mga bahagi nito, nakikita ng mga trader ang mataas, mababa, panimula at pangwakas na mga presyo sa isang candlestick chart.

Ang mga chart na ito ay may tatlong punto - ang bukas, sarado at ang mitsa o wick. Kinakatawan ng wick ang saklaw na mataas hanggang mababa, at ipapaliwanag ng malawak na seksyon kung ang pangwakas na presyo ay mas mataas o mas mababa sa panimulang presyo. Kapag mas mataas ang pangwakas, mapupuno ang candlestick. Kapag mas mababa ang pangwakas, walang magiging laman ang candlestick.

Ang Bar Chart

Ang Bar Chart

ay nagpapakita ng panimula, pangwakas, mataas at mababang mga presyo ng currency. Kaya ipinapakita ng itaas ng bar ang pinakamataas na presyong naibayad, at ipapakita ng ilalim ang pinakamababang presyong na-trade sa partikular na haba ng oras na iyon.

Ang mismong bar ay nagpapakita sa saklaw ng pagte-trade ng pares ng currency na iyon, at ipinapakita naman ng mga pahalang na linya, sa kaliwa, ang mga panimulang presyo, at sa kanan, ang mga pangwakas na presyo.

Ang Line Chart

Ang Line Chart

ang pinakasimple sa tatlong graph, at ito ang dahilan kung bago gustong-gusto ito ng mga baguhan sa forex, at ang mga mahuhusay na trader ay gumagamit ng Candlestick o Bar. Ipinapakita lang ng line chart ang galaw ng presyo ng isang pares ng currency – sa pamamagitan ng nakaguhit na linya mula sa isang pangwakas na presyo papunta sa susunod – sa partikular na haba ng oras na iyon.

Paano ako makakapagsimula sa pagte-trade ng forex?

Dito kami papasok. Ang mga baguhan sa pagte-trade ng forex ay dapat palaging gumamit ng broker na a) awtorisado at b) may limang taong magandang reputasyon man lang. Sa pagte-trade, kakailanganin mong magdeposito ng pondo upang maisagawa ang unang trade, sa tinatawag na margin account. Pwede mong magawa ang lahat ng pagkakamali ng mga baguhin sa pagte-trade ng forex gamit muna ang isang demo account, nang hindi isinasapalaran ang aktwal mong pera, hanggang sa mas lumakas ang loob mo.

Mag-sign up para sa demo account ngayon, at gawin na ang iyong mga unang hakbang sa kapana-panabik at na mundo ng pagte-trade ng forex kung saan maaari kang kumita nang malaki.