Ngunit bakit labis na Popular ang Bitcoin?
Isa sa pinakamalinaw na finding ng imbestigasyong ito ay ang popularidad ng Bitcoin, at ang lumalaking interes ng populasyon sa uri ng Cryptocurrency na ito.
Ngunit bakit mas maraming mga tao ang interesado sa Bitcoin kumpara sa ibang uri ng currency?
Para alamin, kinonsulta namin si Bobby Ong, ang co-founder ng site para sa pagsusuri ng cryptocurrency na CoinGecko at curator ng newsletter tungkol sa Cryptocurrency, ang lingguhang Altcoin.
“Ito [Bitcoin] ang unang decentralized na cryptocurrency at may pinakamalaking epekto sa network”, ayon kay Bobby.
“Ang unang altcoin, Ripple (XRP), ay inilunsad lang dalawang taon pagkatapos ginawa ang Bitcoin na siyang isa sa maraming dahilan kung bakit ang lahat ng iba pang mga Cryptocurrency ay hindi kasing-popular o kasing-halaga kumpara sa Bitcoin.
Ang Bitcoin ay medyo de facto reserve currency para sa lahat ng mga Cryptocurrency, na siyang nagpapataas ng halaga nito nang higit pa.”