Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.
Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.

Pag-trade ng Metal

Sa kasaysayan, ang mga metal, partikular na ang mga presyosong metal, ay laging itinuturing na ligtas na pagpipilian. Ito ay lalo nang totoo sa panahon ng mga kaguluhan sa ekonomiya, giyera at kawalan ng katiyakan sa politika. Tulad ng naturang pananaw, muling nabibigyang pansin ang pamumuhunan sa mga presyosong metal at pag-trade ng metal kasunod ng pinansyal na krisis ng 2008 at nauuna sa mga usapin sa pag-trade ng US at China.

Ayon sa nakaugalian, laging itinuturing na ligtas na pamumuhunan ang mga presyosong metal, lalo na ang Ginto. Bumagsak ang stock market noong pandaigdigang pinansyal na krisis ng 2008, kung saan ang Dow Jones Industrial Average (isang stock market index na kinabibilangan ng 30 sa pinakamalalaking kumpanya sa US) ay bumagsak mula sa antas na 13,264 at naging 7,062. Ito’y isang kawalan ng 47% ng halaga nito sa loob ng 15 buwan. Gayunpaman, sa parehong panahon sa pagitan ng Disyembre 2007 at Nobyembre 2008, tumaas ang mga presyo ng Ginto nang 17%. Mula 2008 hanggang 2012, patuloy ang kapansin-pansing pagtaas ng halaga ng Ginto habang nahihirapan ang Estados Unidos sa recession na dulot ng krisis sa ekonomiya at pinansyal, at tinaasan ng U.S. Federal Reserve ang paunang pagsisikap nito para sa quantitative (o monetary) na easing.

  • Presyo ng Ginto Kada Onsa
  • S&P 500 Index
  • Presyo ng Ginto Kada Onsa
  • S&P 500 Index

Maraming mga eksperto sa pananalapi ang nagmungkahi ng pag-iba-iba ng portfolio na kabilang ang hindi bababa sa 10% hanggang 20% (at minsan higit pa) ng mga tangible asset (pag-aaring nahahawakan) tulad ng Ginto, Pilak, Platinum at Palladium bullion at mga bullion na barya. Sa walang katiyakang kapaligirang politikal at pang-ekonomiya ngayon, maraming mga kilalang broker ang nag-aalok ng pag-trade ng mga metal bilang paraan upang iba-ibahin ang portfolio ng kanilang mga kliyente.

Pag-trade ng mga Presyosong Metal

Ang mga presyosong metal ay mga mahahalagang metal, na bihira at nabubuo nang natural. Ang mga ito ay may mawalak na gamit pang-komersyal at pang-industriya at may mataas na ekonomikong halaga. Ang kanilang gamit bilang mga instrumento sa pamumuhunan ang nagiging dahilan kung bakit ang mga presyosong metal ay pinagtutuunan ng matinding ispekulasyon sa mga merkado ng commodity. Ang pag-trade ng mga presyosong metal ay namumuhunan sa mga commodity na ito bilang uri ng pera na mas napanghahawakan ang halaga nang mas mabuti kaysa sa nalimbag na perang papel.

Ang pag-trade ng presyosong metal ay nakatuon sa apat na pangunahing metal, at ang mga ito ay: Pilak (Ag), Ginto (Au), Platinum (Pt) at Palladium (Pd). Ang kakulangan at demand para sa mga presyosong metal na ito ang dahilan kung bakit sila mas mahalaga kaysa sa mga base metal. May mga sekundaryong merkado na metal sa iba’t ibang presyosong metal na maaaring magsilbi bilang buffer kung sakaling bumaba sa kanilang mga pamantayan ng performance ang presyo ng Ginto, Pilak o Platinum. Ang mga sekundaryong merkado na produktong ito ay kadalasan may mas mababang premium at mas mababang panganib – ngunit, tulad ng lahat ng mga pinansyal na pamumuhunan, ay hindi ganap na ‘ligtas’ na pamumuhunan.

Ang maraming iba’t ibang presyosong metal na maaaring puhunanan ay nagbibigay sa mga trader ng access sa isang produkto na sa kasaysayan ay nagre-rebound nang mabilis.

Gayunpaman, may mahahalagang salik na dapat maunawaan ng isang mamumuhunan para maaaring magtagumpay sa pag-trade ng mga presyosong metal. Partikular dito, ang paraan kung paano naiiba ang merkado ng mga presyosong metal mula sa stock market.

Ang mga stock na tine-trade sa stock market ay mga equity kung saan ang mga stockholders ay nagmamay-ari ng maliit o malaking bahagi ng kumpanya ng mga stock na tine-trade nila. Ang mga presyosong metal ay mga commodity Ang mga namumuhunan ay may hawak na pisikal na produkto o kumikita mula sa kaibahan ng presyo sa pagbili at pagbenta ng metal kapag tumaas and demand para sa metal at tumaas ang mga spot price.

Ang merkado ng stocks at mga presyosong metal ay umiiral at gumagana nang independiente sa isa’t isa. Sa kasaysayan, ang mga merkado ng mga presyosong metal ay gumagalaw sa kabilang direksyon ng stock market. Ang correlation na ito ay nagbibigay sa mga mamumuhunan ng maaaring pagpipilian kung sakaling bumagsak ang stock market.

May ilang paraan para mamuhunan sa mga presyosong metal. Maaari kang bumili ng pisikal na metal sa uri ng mga bullion bar at mga bullion na barya, o maaaring piliin mo ang mga pinansyal na produkto tulad ng stocks, futures, options, mutual funds at exchange-traded funds batay sa precious metal holdings (mga ETF).

Mga Commodity ETF

Ang mga exchange-traded fund ay maaari para sa lahat ng presyosong metal. Nag-aalok ang mga ito ng kumbinyente at likidong paraan para magbenta at bumili ng Ginto, Pilak o Platinum. Kapag namumuhunan sa mga ETF, hindi mo pagmamay-ari talaga ang metal. Ang mga namumuhunan sa ETF ay walang paghahabol sa ginto sa loob ng pondo at hindi maaaring kunin ang opsyon ng pagpapadeliver ng metal kung kinakailangan. Gayunpaman, maaari kang tumubo nang malaki mula sa paggalaw ng mga spot price ng metal.

Mga common stock at mutual fund

Ang mga share sa mga nagmiminang kumpanya ng presyosong metal ay naka-leverage sa mga paggalaw ng presyo ng mga presyosong metal. Inirerekumendang alamin kung paano binibigyang halaga ang mga stock na ito sa mga nagmiminang kumpanya, pati na rin ang pagsubaybay ng mga record ng performance ng kumpanya.

Futures at options

Ang merkado ng futures at options ay nag-aalok ng liquidity at leverage sa mga mamumuhunan na nais magspekula ng presyo ng Ginto laban sa USD, Ginto laban sa EUR o iba pang mga pares. Ang pinakamalaking potensyal na tubo at pagkalugi ay makukuha mula sa mga derivative na produkto.

Bullion

Kapag namumuhunan ka sa mga barya at bar, binibili mo ang pisikal na metal na sa uri ng mga bullion bar o bullion na barya. Gayunpaman, itinuturing ang bullion na hindi likido at medyo maabalang panghawakan.

Mga Sertipiko

Ang mga sertipiko ay nag-aalok sa mga mamumuhunan ng lahat ng benepisyo ng pagmamay-ari ng pisikal na ginto ngunit wala ang abala sa transportasyon at pag-imbak. Gayunpaman, kung sakaling magkaroon ng totoong sakuna, ang mga sertipiko ay papel lang na hindi maaaring ipagpalit sa anumang bagay na may tunay na halaga.

Ang pag-trade ng mga presyosong metal ay may ilang pangunahing benepisyo kung saan ito ay nag-aalok ng natatanging proteksyon sa inflation. Dahil may natural na halaga ang mga presyosong metal, hindi ito nagdadala ng panganib sa credit at sa gayon ay hindi nasasailalim sa inflation. May tunay na “insurance” laban sa mga kaguluhang pinansyal o politikal/militar.

Mula sa pananaw ng isang trader, ang mga presyosong metal ay nagbibigay din ng mababa o negatibong correlation sa iba pang mga uri ng asset tulad ng stocks at bonds. Kahit na isang maliit na porsyento ng mga presyosong metal sa iyong portfolio ay sapat na para mabawasan ang pagbabagu-bago at panganib dahil sila ay nag-aalok ng mahusay na pagtaas ng presyo at potensyal para kumita.

Spot Price ng Ginto

Ang kasalukuyan (araw-araw) na presyo ng Ginto ay kilala bilang spot gold price o spot price ng ginto. Ito ang presyo ng Ginto sa oras ng pag-trade o transaksyon at hindi sa isang petsa sa hinaharap. Ang spot price ng Ginto ay nasa patuloy na katayuan ng pagbabagu-bago at maaaring itinutulak ng maraming salik. Karaniwan, ang spot Gold ay naka-quote sa presyo na kada onsa gamit ang U.S. Dollars. Available rin ang mga quote na nagpapahiwatig ng spot price ng Ginto sa ibang currency.

Ang halaga at sa gayon ang presyo ng ginto ay tinutukoy ng merkado 24 na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Ang ginto ay nate-trade higit sa lahat bilang sentimyento, na nangangahulugan na ang presyo nito ay hindi gaanong apektado ng mga law ng supply at demand. Ang aktwal na spot price ng Ginto ay nakukuha mula sa pinakamalapit na buwan ng kontrata para sa futures ng Ginto na may pinakamalaking volume. Maaari itong maging pinakamalapit na buwan o front month, o maaari din itong sa isa o dalawang buwan pa.

Bilang pangunahing presyosong metal, kadalasan mas malaki ang demand sa pamumuhunan para sa Ginto sa panahon ng maproblemang ekonomiya o geopolitikal. Mula sa unang bahagi ng Abril 2001 hanggang sa unang bahagi ng Setyembre 2011, tumaas ang spot Gold mula sa tinatayang baba na $250 kada onsa hanggang sa taas na halos $1,900 kada onsa — isang pagtaas na higit 600% sa loob ng humigit-kumulang 10-1/2 taon. Ang mga rate ng interes at mga patakaran sa pananalapi ay maaari ding magkaroon ng malaking epekto sa spot price ng Ginto. Maaari ding makapagbigay ang Ginto ng mahusay na balik sa pamumuhunan sa panandaliang panahon kapag sobrang baba ng mga rate ng interes, dahil ginagawang mas mababa ang halaga ng oportunidad na mapanghawakan ang Ginto ng mga mababang rate.

Mga Spot Metal

Ang mga pag-trade ng spot metal ay binubuo ng pagpapalit ng spot metal — Ginto o Pilak — para sa isang currency. Halimbawa, maaaring piliin ng isang trader ang mag-trade ng Ginto sa British Pound (XAUGBP) o Pilak sa Euro (XAGEUR).

Bahagi ng maaaring matagumpay na pag-trade ng spot metal ay ang pananatiling up-to-date sa mga merkado ng metal sa pamamagitan ng pagsubaybay ng performance ng ilang mga pangunahing index na nagsusubaybay sa sektor. Maraming spot metal index na nagbibigay ng magandang batayan para sa demand sa pamumuhunan sa sektor dahil sinusukat nila ang performance ng mga metal futures, tulad ng S&P GSCI Precious Metals Index, S&P GSCI Industrial Metals Select, UBS Bloomberg CMCI Industrial Metals Index Total Return at ang DBIQ Optimum Yield Industrial Metals Index Excess Return.

Available rin para sa mga mamumuhunan ang mga karagdagang sanggunian sa pagpepresyo ng merkado at balita sa parehong presyoso at base metal na mga sektor. Inirerekumenda rin ang paggamit ng mga tsart ng spot metal price para sa pagsubaybay ng mga spot price ng Ginto at Pilak para maantabayanan ang mga paggalaw ng merkado.

Ang pag-trade ng mga spot metal ay kumakatawan sa oportunidad para sa mga mamumuhunan at mga trader na iba-ibahin ang kanilang pinanghahawakang pinansyal para masiguro na sila ay bahagyang kinakatawan man lang ng ligtas na pagpipilian. Ang ilan sa mga pinangangasiwaang broker tulad ng Alpari ay nag-aalok ng mga karagdagang instrumento tulad ng mga Contracts for Difference (mga CFD), kung saan maaari nilang piliin ang pangmatagalan o pangpanandaliang posisyon sa Ginto at Pilak. Pinahihintulutan din ng mga CFD ang mga trader na magsagawa ng mga haka-haka sa presyo ng mga metal nang hindi kinakailangang bumili ng mga shares, ETF, futures o options. Ang mga customer ay nagdedeposito ng mga pondo sa broker, na nagsisilbi bilang margin. Ang halaga ng isang CFD ay nagmumula sa kaibahan sa pagitan ng presyo ng mga metal sa oras ng pagbili at sa kasalukuyang presyo.

Ang patuloy na kawalang katiyakan sa mga pinansyal na merkado ay bahagi ng kung ano ang nagtutulak sa demand para sa pag-trade ng mga spot metal. Kadalasang labis na epektibo ang mga presyosong metal laban sa depreciation ng mga fiat currency, at dahil sila ay may natural na halaga, hindi sila pinapahalagahan lang bilang medium ng palitan. Sa gayon, ang mga spot metal ay nagiging mas popular sa mga trader sa buong mundo. Sa mga oras ng kawalang katiyakan sa merkado, ang mga tao ay kadalasang bumabaling sa seguridad na inaalok ng mga presyosong metal, kung saan ang Ginto ang Pilak ang tinatanaw na mahusay na proteksyon laban sa inflation. Tulad ng lahat ng iba pang instrumento sa mga pinansyal na merkado, maaaring malaki ang impluwensiya ng mga kaganapang pulitikal at pang-ekonomiya sa presyo ng mga spot metal at magdulot sa mga presyo nitong magpabagu-bago.

Mga Spot Price ng Metal

Ang mga spot metal price o spot price ng anumang metal ay tumutukoy sa presyo kung saan maaaring ipalit at i-deliver sa kasalukuyan ang ilang partikular na metal. Sa madaling salita, ang spot price ay ang presyo kung saan kasalukuyang tine-trade ang Ginto, Pilak, Platinum o anumang iba pang metal. Ang mga spot price ay kadalasang sinasangguni sa merkado ng Ginto at Pilak, pati na rin sa langis na krudo at iba pang mga commodity.

Dahil ang mga spot price ng metal ay nasa patuloy na katayuan ng pagtutuklas, sila ang pinagtutuunan ng pansin ng mga bangko, institusyong pinansyal, broker at retail na mamumuhunan. Simula noong ika-21 Siglo, ang mga spot price ng metal ay tumaas sa pangkalahatan, kaya nakuha nito ang pansin ng maraming mamumuhunan. Maraming tao ang bumaling sa mga presyosong metal, tulad ng Pilak, Ginto at Platinum, para protektahan ang sarili nila laban sa patuloy na pagbaba ng halaga ng U.S. Dollar (o iba pang mga fiat currency) at pagbagu-bago ng stock market.

Habang isinasaalang-alang ito, ang lahat ng pamumuhunan ay may kaakibat na sarili nitong mga panganib. Bagaman ang mga spot metal ay may kaakibat na antas ng seguridad, laging may kaakibat na panganib ang pag-trade ng mga presyosong metal. Ang mga spot price ng metal ay kilalang pabagu-bago nang madalas at maaaring bumagsak sa panahon ng panatag na ekonomiya, at nakakasira ng loob para sa mga taong mahilig mamuhunan nang malaki sa merkado ng mga presyosong metal. Maaaring maging hamon ang pagbebenta sa panahon ng pagbabagu-bago ng ekonomiya, dahil may posibilidad na tumaas nang mabilis ang mga presyo.

Sa pangkalahatan, ang malalim na liquidty at mataas na volatility ng mga spot metal ay nangangahulugan na maaaring madaling magbukas ng mga posisyon at lumilitaw ang mga oportunidad na di alintana kung tumataas o bumabagsak ang presyo ng mga presyosong metal.

Ang pamumuhunan sa mga presyosong metal ay naging popular na paraan para mapanatili ng mga tao ang kanilang kayamanan bago pa man magkaroon ng stock market. Kadalasan, tinatanaw ang mga presyosong metal bilang mga pangmatagalang pamumuhunan dahil sa kanilang natural na halaga, na nakatulong para mapanatili nila ang matagal na record bilang mga instrumento sa pamumuhunan. Gayunpaman, ang pag-trade ng mga presyosong metal na nakabatay sa mga salik na panlipunan at pulitikal, kasama ang supply at demand ng mga metal, ay isang opsyon na may potensyal kumita at maaaring saluhin ang iyong mga pagkalugi sa stock market kung kinakailangan.

Isa sa mga pangunahing pakinabang ng pag-trade ng mga presyosong metal ay nakakatulong sa mga trader na magdagdag ng pagkakaiba-iba sa kanilang portfolio ng pamumuhunan ang mga spot metal Forex broker sa tulong ng iba’t ibang instrumento ng pamumuhunan. Sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng iyong portfolio ng pamumuhunan, maaari kang magpalipat-lipat mula sa isang asset papunta sa isa pa. Nagkakaroon ka ng oportunidad na mag-trade nang ligtas sa mundo ng pag-trade, nang hindi inilalagay sa panganib na magdusa ng malalaking pagkaluging pinansyal mula sa lahat ng elemento. Sa pamamagitan ng maraming uri ng mga asset, may posibilidad na palawakin ang kanilang mga pamumuhunan sa iba’t ibang instrumento ng pag-trade nang hindi inilalagay ang lahat ng itlog sa iisang lalagyan o “putting all your eggs in one basket.”

Maaaring labis na pabagu-bago ang merkado ng mga presyosong metal kaya maaaring hindi ito angkop para sa lahat ng mamumuhunan. Gayunpaman, ito ay labis na angkop para sa mga trader na interesado sa mga commodity tulad ng ginto at pilak, at para sa mga taong nais na bumili ng mga presyosong metal bilang bahagi ng estratehiya na pag-iiba-iba.

Makakatulong sa iyo kung magiging pamilyar ka sa mga tsart ng spot market price, pag-analisa, at mga review ng merkado para makagawa ka ng may kaalamang desisyon tungkol sa iyong estratehiya sa pag-iiba-iba ng portfolio at mabigyan ka ng kalamangan sa merkado ng mga presyosong metal.