Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.
Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.

FAQ

Ano ang maitutulong namin sa iyo ngayon?

Tungkol sa Alpari CopyTrade

Binuo ng aming departamento ng Pananaliksik at Pagpapaunlad, ang Alpari CopyTrade ay isang makabagong programang nagpapahintulot sa iyong kopyahin ang estratehiya ng ibang trader. Gamit ang Alpari CopyTrade, maaari mong pakinabangan ang copy trading sa maraming paraan:

  • Kung ikaw ay isang investor, ang iyong account ay awtomatikong kokopyahin ang mga trade na iyong napiling Strategy Manager. Kapag sila ay kumita, kikita ka rin.
  • Kung ikaw ay isang Strategy Manager, kikita ka ng porsiyento ng kita ng iyong mga tagasunod (Investor) mula sa pagkopya ng iyong matatagumpay na pag-trade.

Ang Investor ay pumipili ng naaangkop na Strategy Manager na maaaring sundan at awtomatikkong kinokopya ang kanilang mga trade. Ang isang bahagi ng ganda nito ay maaaring makinabang ang mga Investor mula sa posibleng mga pagkakataon sa market, kahit na wala silang oras o tiwala na mag-plano at magtakda mismo ng mga trade. Sa pagkita kung aling mga trade ang ginagawa ng kanilang Strategy Manager ang nagtagumpay, maaari rin silang matuto ng mga bagong kakayahan at pag-uunawa sa market sa proseso..

Ang mga Strategy Managers ay karaniwang mga dalubhasang trader. Pinahihintulutan nila ang kanilang mga trade na awtomatikong makopya ng kanilang mga Investor na ang kapalit ay isang porsiyento ng kanilang kita sa matatagumpay na pag-trade. Maaari nilang itakda mismo ang porsiyentong ito (na tinatawag rin na bahagi ng kita) nang hanggang 40%.

Investor: 100 USD/EUR/GBP
Strategy Manager sa mga ECN MT4 account: 500 USD/EUR/GBP

Para makatulong sa mga Investor na magpasya kung sino ang marahil na pinakaangkop na Strategy Manager para sa kanila, bibigyan namin ng ranggo ang mga ito sa pahinang ito. Ito ay nagpapakita sa lahat ng manager na kasalukuyang aktibo at ilang mahahalagang mga detalye tungkol sa kanila.

Isinasaalang-alang sa ranggo ang kanilang mga pangkalahatang tubo (return) (binawasan ng bahagi ng kita), at ang mga sumusunod na mahalagang salik:

  • Antas ng panganib
  • Porsiyento ng drawdown
  • Bilang ng mga araw ng aktibong pagte-trade
  • Buwanang return

Mahalagang bigyan ang mga Investor ng mga pinakanapapanahong impormasyon, kaya't ang aming talahanayan ng pagraranggo ng Strategy Manager ay araw-araw na ina-update. Ito ay nagpapahintulot sa iyong pumili ng Strategy Manager at manatiling may balita sa kanyang performance bago mo sundan siya. Ang impormasyon sa kanyang personal profile ay regular na ina-update.

Ang lahat ng datos sa iyong Investment account ay napapanahon at live.

ECN MT4. Para sa mga detalye at mga espesipikasyon sa server na ito, mangyari tingnan dito.

Palaging may panganib kapag nagte-trade, at habang hindi namin matitiyak ang mga kita, walang limitasyon sa halaga ng pera na maaari mong kitain.

Hindi kami naniningil ng mga karagdagang bayad.

Muli, walang mga limitasyon dito – kahit na ilang mga account na gusto mo.

Ito ay simpleng cut ng mga kita na binibigay ng Investor sa Strategy Manager para sa mapagkikitaang mga trade (hanggang 40%). Pumunta sa pahina ng Mga Kahulugan para sa karagdagang impormasyon tungkol dito.

Maaaring piliin ng Strategy Manager na bigyan ang kanilang Investor ng isang maiksing malawakang pananaw ng kanilang estilo sa pagte-trade at mga layunin. Kung mayroon sila nito, mahahanap mo ang mga ito sa kanilang indibiduwal na pahina ng profile.

Maaaring magdagdag ang mga Strategy Manager ng mga update sa kanilang profile para makatulong sa mga Investor na maunawaan ang kanilang estratehiya at iskedyul sa pagte-trade. Ito ay maaaring lubos na nakakatulong sa mga Investor dahil ito ay nagbibigay sa kanila ng mas magandang pananaw sa progreso ng Mga Strategy Manager at pangkalahatang estilo sa pagte-trade. Ang mga ito ay ipinapakita sa ilalim ng 'Balita' na tab.

Bumalik sa FAQ