Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.
Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.

WebMoney

CurrencyUSD, EUR, RUR
Mga Bayad / KomisyonWalang Komisyon
Oras ng PagpoprosesoAgad-agad

Pagdeposito sa iyong Alpari International account

1. Buksan ang "Keeper Classic" na aplikasyon ng WebMoney.

2. Sa MyAlpari, mag-click sa ‘Pera Ko’ > ‘Magdeposito ng Mga Pondo’ na matatagpuan sa menu.

3. Kasunod, piliin kung aling paraan ng pagbabayad at account sa pagte-trade ka nais magdeposito.

4. Piliin ang iyong currency sa field ng ‘Currency’ at ilagay ang iyong napiling halaga sa field ng ‘Kabuuan’ bago i-click ang ‘Kumpirmahin’ na button.

5. Pagkatapos mong maisumite ang iyong kahilingan, ilagay ang code sa maliit na litrato kasama ang iyong mga kredensyal ng account sa WebMoney at i-click ang ‘Pumunta sa Pagbabayad’. Kumpletuhin ang mga natitirang hakbang sa iyong WebMoney account at ipadala ang mga pondo.

6. Pumunta sa pahina ng ‘Mga Transfer Ko’ sa MyAlpari upang suriin ang status ng iyong transfer. Sa simula, maaaring makita mo ito bilang ‘Pinoproseso’, nguni’t sa oras na na-post na ang deposito sa iyong account sa pagte-trade, makikita mo ang ‘Naideposito na ang mga pondo sa iyong account’.

Mahalagang Impormasyon

1.Hindi kami tumatanggap ng mga bayad mula sa third party. Kapag nagawa mo na ang iyong paunang deposito, kakailanganin namin ang isang screenshot ng iyong WebMoney account na malinaw na ipinapakita ang iyong pangalan, address at status ng iyong pasaporte sa WebMoney.

2. Tatanggapin lamang ang mga deposito mula sa mga WebMoney account na may status ng WM-Passport na ‘Pormal’ o mas mataas pa .

3. Walang minimum o maximum na halaga ng transfer sa bawat transaksyon ng WebMoney; gayon pa man, may ilang restriksyong pinansyal na inilalapat sa mga gumagamit ng WebMoney. Ang mga ito ay depende sa uri ng WM passport na hinahawakan, ang uri ng WM keeper na ginagamit at ang mga paraan ng kumpirmasyon ng transaksyon na naka-enable.

4. Kung ang isang transaksyon sa pamamagitan ng WebMoney ay ginawa sa isang hindi sinusuportahang currency (tingnan ang talahanayan sa itaas para sa mga currency na sinusuportahan), papalitan ito sa sinusuportahang currency na gusto mo. Maaaring may ilalapat na singil para palitan ang mga pondo. Mahalaga ring tandaan na kung ang base currency ng iyong account sa pagte-trade at currency ng deposito ay magkaiba, ang transaksyon ay sasailalim sa kombersyon at maaaring may mga naaangkop na singil (puwede mong alamin ang mga singil sa talahanayan ng Mga Halaga ng Kombersyon).

5. Ibabawas ang mga singil sa pagdeposito mula sa halagang naideposito. Ang aming mga singil at komisyon (kung mayroon man) ay nasa talahanayan sa itaas.

6. Ikekredito ang iyong account sa pagte-trade kapag matagumpay na naiproseso ang iyong deposito. Gayon pa man, maaaring may mga pagkaantala kung hindi maberipika ng WebMoney at/o ng Alpari International ang iyong impormasyon.

7. Dapat i-withdraw ang halaga ng iyong paunang deposito sa parehong WebMoney account na ginamit para magdeposito.

Puwede kang makahanap ng karagdagang impormasyon sa website ng WebMoney:

Karagdagang impormasyon sa website ng WebMoney:

CurrencyUSD, EUR, RUR
Mga Bayad / Komisyon2%
Oras ng Pagpoproseso24 na oras

Pagwi-withdraw ng mga pondo mula sa iyong Alpari International account:

1. Sa MyAlpari, piliin ang ‘Pera Ko / Mag-withdraw ng Mga Pondo’ na opsyon sa menu.

2. Mag-click sa ‘Numero ng Account’, ‘Currency ng WebMoney Purse’ at ‘’Halaga’.

3. Sa wakas, punan/piliin ang tatanggap na account ng WebMoney Purse  at i-click ang ‘Kumpirmahin’ pagkatapos basahin ang lahat ng kondisyon sa pagwi-withdraw.

4. Sa oras na ito, makakatanggap ka ng isang password ng pagbabayad sa pamamagitan ng SMS o sa pamamagitan ng email na inirehistro mo sa MyAlpari. Ilagay ang password na ito sa kinakailangang field at pagkatapos i-click ang ‘Isumite’.

5. Subaybayan ang status ng iyong pagwi-withdraw sa anumang oras sa ilalim ng ‘Mga Transfer Ko’ sa MyAlpari. Kung natanggap ang iyong kahilingan, makikita mo na ang iyong status ay "Pinoproseso". Kapag makikita mo ang "Naipadala na ang mga pondo” bilang status ng kahilingan, nangangahulugan ito na naipadala na ang mga pondo sa iyong WebMoney purse.

Mahalagang Impormasyon

1. Ipinagbabawal ang mga pagwi-withdraw sa mga third party. Dapat magkatugma ang iyong mga detalye sa WebMoney – iyong pangalan at address – at ang mga detalyeng nakarehistro sa iyong MyAlpari account.

2. Puwede ka lamang mag-withdraw sa pamamagitan ng WebMoney, kung ginamit mo ang WebMoney para magdeposito ng mga pondo.

3. Kung nais mong mag-withdraw ng mga pondo papunta sa WebMoney, dapat ito ang parehong WebMoney account na ginamit para ideposito ang mga orihinal na pondo.

4. Ibabawas ang anumang singil na ilalapat dahil sa pagpoproseso ng mga pagwi-withdraw mula sa halagang iwini-withdraw.

5. Mahalagang tiyakin na mayroon kang sapat na free margin sa iyong account upang matugunan ang iyong pagwi-withdraw. Kung wala kang sapat na free margin, dapat mong isara ang lahat ng bukas na posisyon.

6. Ang Alpari ay nagtatagal ng isang araw ng trabaho para iproseso ang mga pagwi-withdraw pagkatapos matanggap ang isang kahilingan ng pagwi-withdraw. Ikekredito ang mga pondo sa iyong WebMoney account sa loob ng isang araw ng trabaho pagkatapos maiproseso ng Alpari International ang mga ito. Maaaring may mga pagkaantala kung hindi namin maberipika ang iyong impormasyon.

7. Bagaman at walang minimum at maximum na transfer limit sa bawat transaksyon, ang mga gumagamit ng WebMoney ay sumasailalim sa ilang restriksyong pinansyal na depende sa antas ng pagkakakilanlan (hal. uri ng WM-passport na hinahawakan ng gumagamit), uri ng WM Keeper na ginagamit ng miyembro at mga paraan ng kumpirmasyon ng transaksyon na naka-enable.

8. Kung nais mong i-withdraw ang anumang kita sa pagte-trade gamit ang WebMoney, kailangan mong ilipat ito sa parehong WebMoney account na ginamit para pondohan ang account sa pagte-trade. Puwede rin naming ayusin na mai-withdraw ang mga kita sa pamamagitan ng bank wire. Kakailanganin namin na bigyan mo kami ng isang pahayag ng bangkong kinukumpirma ang pangalan ng may-ari ng account, na dapat magkatugma sa pangalang nasa iyong account sa pagte-trade ng MyAlpari.