Currency | EUR, USD, GBP, PLN, CZK |
Mga Bayad / Komisyon | Walang Komisyon |
Oras ng Pagpoproseso | Agad-agad |
Pagdeposito sa iyong Alpari International account
- Sa menu sa tabi ng MyAlpari, piliin ang ‘Magdeposito ng Mga Pondo’ sa ilalim ng menu ng ‘Pera Ko’ at mag-click sa Skrill. Pagkatapos, sa form ng pagdeposito, piliin ang account sa pagte-trade kung saan mo gustong magdeposito. Kasunod, piliin ang currency ng iyong account sa pag-click ng ‘Currency’ at ilagay ang halaga ng iyong deposito bago i-click ang ‘Kumpirmahin’.
- Tingnan na tama ang impormasyong inilagay mo, at pagkatapos mag-click sa ‘Isumite’. Mula doon, ipapadala ka sa website ng Skrill, kung saan mo ilalagay ang mga detalye sa pag-login sa Skrill. Kung hindi ka pa nakapag-set up ng isang account, puwede kang mag-sign up para sa isa rito sa yugtong ito.
May Skrill account na?
Ilagay lamang ang iyong mga detalye sa pag-login – ang iyong email at password – at isumite ang iyong transfer.
Walang Skrill account?
Ilagay lamang ang lahat ng datos na hinihiling upang makabukas ng isang account dito. Kung gumagamit ka ng credit o debit card, i-upload ito sa iyong Moneybookers (Skrill) account at ideposito ang mga pondo sa iyong e-wallet. Pagkatapos, puwede nang tanggapin ng Alpari ang mga pondong iyon. Puwede mong subaybayan ang status ng iyong deposito sa anumang oras sa MyAlpari.
Mahalagang Impormasyon
- Puwede ka lamang magdeposito mula sa iyong personal na Skrill e-wallet.
- Hindi tinatanggap ang mga bayad mula sa third party.
- Kung naglilipat ka ng mga pondo gamit ang iyong credit o debit card, magdeposito ka muna sa pamamagitan ng card na ito sa iyong Skrill e-wallet, at pagkatapos ay mag-set up ng kahilingan ng pagdeposito sa MyAlpari gamit ang iyong mga detalye ng pag-login sa Skrill.
- Dapat pareho ang pangalan at email address na ginamit mo para magparehistro sa iyong mga Skrill at MyAlpari account. Gayon pa man, kung gumamit ka ng ibang email address sa Skrill account, tiyaking ilagay ito bilang karagdagang email address sa "Mga Detalye Mo" sa MyAlpari at tukuyin na ito ang email address na ginagamit mo para sa Skrill.
- Kung ang residential address sa iyong Skrill account ay magkaiba sa residential address sa iyong MyAlpari account, maaari kaming humingi sa iyo ng katibayan ng address sa pamamagitan ng isang utility bill o pahayag ng bangko.
- Walang minimum na deposito bawat transaksyon. Gayon pa man, ang maximum na halaga ay 10,000 EUR bawat deposito (o katumbas na halaga sa sinusuportahang currency, tingnan ang mga detalye sa talahanayan sa itaas).
- Kung ang isang transaksyon ng Skrill ay ginawa sa isang currency na hindi sinusuportahan (mangyaring tingnan ang talahanayan sa itaas para sa mga sinusuportahang currency), papalitan ang iyong deposito sa sinusuportahang currency na gusto mo at maaaring sumailalim sa isang singil sa kombersyon.
- Kung ang iyong account sa pagte-trade at deposito ay gumagamit ng magkaibang currency, ang transaksyon ay papalitan at sasailalim sa anumang bayad, ayon sa Talahanayan ng Mga Halaga ng Kombersyon (kinakailangan ang pag-login) sa MyAlpari.
- Hindi sumisingil ng anumang komisyon ang Alpari para sa mga depositong ginawa sa pamamagitan ng Skrill.
- Naghihigpit ang Skrill mula sa pagdeposito ng mga account sa Skrill na nakarehistro sa EU. Kung ang iyong account sa Skrill ay isang account na nakarehistro sa EU, maaaring hindi ka makakapag-deposito, kahit na makita mo ang opsyong ito sa website ng Alpari International.
Currency | EUR, USD, GBP, PLN, CZK |
Mga Bayad / Komisyon | Walang Komisyon |
Oras ng Pagpoproseso | 24 na oras |
Gusto mo bang mag-withdraw ng mga pondo mula sa iyong account sa pagte-trade papunta sa iyong Skrill account? Tiyaking punan ang isang kahilingan sa MyAlpari.
Paano mag-withdraw ng mga pondo mula sa MyAlpari:
- Mag-click sa Mag-withdraw ng mga pondo sa menu sa tabi sa MyAlpari. Pagkatapos mong piliin ang ‘Skrill’, piliin ang account sa pagte-trade mula saan mo gustong mag-withdraw ng mga pondo.
- Piliin kung sa aling currency mo gustong mag-withdraw sa ‘Currency’ ng Skrill. Bago mag-click sa ‘Kumpirmahin’, tiyaking punan ang lahat ng field sa form at basahin ang mga kondisyon sa pagwi-withdraw.
- Tingnan ang status ng iyong pagwi-withdraw sa iyong ‘Kasaysayan ng MyAlpari’.
Mahalagang Impormasyon
Tiyaking basahin ang sumusunod bago mag-withdraw:
- Hindi tinatanggap ang mga pondo sa mga account ng third party.
- Kailangang gawin ang mga pagwi-withdraw sa parehong Skrill account na ginamit para gawin ang paunang deposito.
- Kung gusto mong mag-withdraw ng mga pondo sa pamamagitan ng Skrill, dapat itong gawin mula sa parehong account na ginamit mo para ideposito ang mga pondo.
- Tiyaking mayroon kang sapat na free margin sa iyong account upang matugunan ang halaga ng pagwi-withdraw. Kung hindi sapat ang iyong free margin, dapat mong isara ang anumang bukas na posisyon.
- Puwedeng magtagal ng hanggang 24 na oras para iproseso ang mga pagwi-withdraw. Pagkatapos maiproseso ng Alpari International ang mga pondo, ikekredito ang mga ito sa Skrill account. Maaaring magkaroon ng mga pagkaantala kung magkakaproblema kaming beripikahin ang account.
- Kung gusto mong mag-withdraw ng anumang kita sa pagte-trade gamit ang Skrill, dapat ito ay ang parehong Skrill account na ginamit mo para pondohan ang iyong account sa pagte-trade. Puwede naming ipadala sa pamamagitan ng bank wire ang iyong mga kita sa iyo, nguni’t kakailanganin nitong kumpirmahin mo ang pangalan ng may-ari ng account sa pamamagitan ng isang pahayag ng bangko o iba pang uri ng ID, na dapat magkatugma sa pangalang nakarehistro sa Alpari International.
- Araw-araw ina-update ang mga halaga ng kombersyon ng Alpari.
- Walang minimum na halaga ng pagwi-withdraw sa bawat transaksyon. Ang maximum na halaga ng pagwi-withdraw ay 10,000 USD (o ang katumbas nito – tingnan ang talahanayan sa itaas para sa mga sinusuportahang currency) sa bawat transaksyon.