Currency | EUR, USD, GBP |
Mga Bayad / Komisyon | Walang Komisyon |
Oras ng Pagpoproseso | Agad-agad |
Minimum na Deposito | 5 EUR/USD/GBP |
Paano magdeposito sa iyong Alpari International account
- Mag-click sa ‘Pera Ko’, na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng menu sa MyAlpari. Sa dropdown menu, mag-click sa ‘Magdeposito ng Mga Pondo’.
- Piliin ang uri ng solusyon ng deposito ng card na magkatugma sa uri ng card na gagamitin mo para gawin ang deposito ng card.
- Pagkatapos, mag-click sa ‘Account’ mula sa dropdown menu at piliin kung aling account sa pagte-trade ang nais mong pondohan. Tiyaking piliin kung sa aling currency mo gusto mag-trade at ilagay ang halaga ng iyong deposito.
- Punan ang mga natitirang field (kung naangkop) sa form at pindutin ang ‘Kumpirmahin’ para magpatuloy.
- Maglaan ng ilang sandali para suriin ang lahat ng impormasyong inilagay mo bago i-click ang ‘Isumite’. Mula doon, ipapadala/ituturo ka sa isang pahina ng pagpoproseso ng pagbabayad kung saan mo ilalagay ang mga detalye ng iyong card.
- Mag-click sa Kasaysayan ng MyAlpari kung gusto mong tingnan ang status ng iyong deposito.
Mahalagang Impormasyon
Mahalagang tandaan ang mga sumusunod kapag gusto mong magdeposito:
- Hindi tumatanggap ang Alpari International ng mga bayad mula sa mga third party.
- Kapag nagdedeposito, kakailanganin mong magbigay ng isang kopya ng harap at likod ng iyong card ng pagbabayad – na may kulay. Para sa mga layuning panseguridad, inirerekomenda naming takpan mo ang buong numero ng credit card maliban ang huling apat na tambilang, pati na rin ang CVV code na may tatlong tambilang sa likod. Dapat ay malinaw na nakikita ang lahat, at dapat may-lagda ang card.
- Tumatanggap lamang ang Alpari International ng mga transaksyon sa card sa mga sumusunod na currency: USD, EUR at GBP. Anumang transaksyon sa card na ipinadala sa anumang ibang currency ay papalitan sa isa sa tatlong denomination na ito, at maaaring sumingil ang tagaproseso ng card ng isang singil sa kombersyon para rito.
- Sisingilin ng tagaproseso ng card ang tatanggap ng isang singil para sa bawat transaksyon, na ipapataw sa mga kliyente ng Alpari International. (Tingnan ang talahanayan ng mga halaga ng kombersyon dito). Idedeposito ang netong halaga sa iyong account sa pagte-trade, na pinondohan sa pamamagitan ng tagaproseso ng card.
- Ang mga matagumpay na deposito ay mabilis na ipapadala sa account sa pagte-trade. Gayon pa man, kung magkakaproblema ang tagaproseso ng card o Alpari na beripikahin ang iyong impormasyon, maaaring magkaroon ng mga pagkaantala.
- Kung gusto mong i-withdraw ang iyong deposito, dapat i-withdraw ang mga pondo sa parehong card na ginamit para sa deposito.
- Maaring dapat mo kaming bigyan ng isang authorization code para sa iyong depositoi.
- Maaaring kailanganin mo ring bigyan kami ng iyong pahayag ng card o isang screenshot ng iyong pahayag ng bangko, na ipinapakita ang transaksyon sa Alpari International.
- Mahalagang idagdag na anumang kahilingan mula sa amin ay manggagaling sa isang opisyal na email address ng Alpari International. Kailanman ay hindi kami hihiling ng kompidensyal na impormasyon (CVV or 3D secure code, halimbawa). Kung may matatanggap kang anumang kahina-hinalang email na humihiling sa iyo ng sensitibong impormasyon, mangyaring iulat ito sa amin sa: [email protected].
- Hindi itinatago ng Alpari International ang datos ng card ng kliyente. Ang lahat ng datos ng card ay kinakalap at ligtas na itinatago sa loob ng Tagapagbigay ng Serbisyo sa Pagbabayad na lisensyado sa Unang Antas ng Payment Card Industry Data Security Standard (PCI DSS).
- Gaya ng inirerekomenda ng PCI Security Standards Council, protektado ang mga detalye ng card ng customer gamit ang Transport Layer encryption — TLS 1.2 – pati na rin ng application layer na may algoritmong AES at 245-bit key length.
Currency | EUR, USD, GBP |
Mga Bayad / Komisyon | 2 GBP/ 3 USD/ 2 EUR |
Oras ng Pagpoproseso | 24 na oras |
Kung nais mong mag-withdraw ng mga pondo mula sa iyong account sa pagte-trade pabalik sa iyong card, dapat kang magkumpleto ng isang kahilingan sa MyAlpari.
Paano mag-withdraw ng mga pondo mula sa iyong Alpari International account
- Mag-click sa ‘Mag-withdraw ng mga pondo’ mula sa menu sa tabi sa MyAlpari (sa ilalim ng ‘Pera Ko’). Piliin ang ‘Debit/Credit Card’, at pagkatapos piliin mula sa aling account sa pagte-trade mo nais mag-withdraw.
- Pagkatapos, piliin kung sa aling currency mo nais na mag-withdraw, pati na rin ang numero ng card, petsa ng pagkakawalang-bisa, pangalan ng may-ari ng card at bangkong nagkaloob. Tiyaking basahin ang mga kondisyon sa pagwi-withdraw bago punan ang natitirang bahagi ng form at i-click ang ‘Kumpirmahin’.
- Alamin ang status ng iyong pagwi-withdraw sa ‘Kasaysayan ng MyAlpari’.
Mahalagang Impormasyon
Isaalang-alang ang mga nasa ibaba bago mag-withdraw ng mga pondo:
- Hindi tinatanggap ng Alpari International ang mga bayad sa mga third party. Kailangang magkatugma ang pangalan ng may-ari ng card at ang pangalang nakarehistro sa account sa pagte-trade.
- Kapag magwi-withdraw ka, dapat mong gamitin ang parehong credit card na orihinal mong ginamit para magdeposito. Ang halagang nai-withdraw ay hindi dapat lalampas sa kabuuang halagang naideposito gamit ang parehong credit card. May singil para sa pagpoproseso ng mga pagwi-withdraw ng pondo – ibabawas ito mula sa halagang nai-withdraw. Ang anumang karagdang kitang makukuha pagkatapos nito ay puwedeng i-withdraw sa pamamagitan ng anumang ibang available na paraan na gusto mo.
- Dapat may sapat na free margin sa account ang anumang pagwi-withdraw na gagawin upang matugunan ito. Kung wala ka nito, maaari mong piliing isara ang ilang bukas na posisyon sa iyong account bago humiling ng isang pagwi-withdraw.
- Pinoproseso ng Alpari International ang mga pagwi-withdraw sa loob ng 1 araw ng trabaho pagkatapos ng kahilingan. Ang mga pondo ay ililipat pabalik sa card sa loob ng isang linggo ng trabaho pagkatapos maiproseso ng Alpari International. Magkakaroon ng mga pagkaantala kung hindi namin maberipika ang iyong impormasyon.
- Mga Limit ng Tagaproseso ng Credit Card (sa bawat transaksyon): Minimum: upang matugunan ang mga singil. Maximum: $/€/£ 15,000.
- Sa mga pambihirang pagkakataon, maaaring hindi maiproseso ng tagaproseso ng card ang iyong kahilingan ng pagwi-withdraw. Sa kaganapang ito, makikipag-ugnayan sa iyo ang aming Back Office team para talakayin ang mga alternatibong paraang magagamit mo.
- Hindi itinatago ng Alpari International ang datos ng card ng kliyente. Ang lahat ng datos ng card ay kinakalap at ligtas na itinatago lamang sa loob ng Tagapagbigay ng Serbisyo sa Pagbabayad na lisensyado sa Unang Antas ng PCI DSS.
- Gaya ng inirerekomenda ng PCI Security Standards Council, protektado ang mga detalye ng card ng customer gamit ang Transport Layer encryption — TLS 1.2 – pati na rin ng application layer na may algoritmong AES at 245-bit key length.