Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.
Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.

Mastercard

CurrencyEUR, USD, GBP
Mga Bayad / KomisyonWalang Komisyon
Oras ng PagpoprosesoAgad-agad
Minimum na Deposito5 EUR/USD/GBP

Paano magdeposito sa iyong Alpari International account

  1. Mag-click sa ‘Pera Ko’, na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng menu sa MyAlpari. Sa dropdown menu, mag-click sa ‘Magdeposito ng Mga Pondo’.
  2. Piliin ang uri ng solusyon ng deposito ng card na magkatugma sa uri ng card na gagamitin mo para gawin ang deposito ng card.
  3. Pagkatapos, mag-click sa ‘Account’ mula sa dropdown menu at piliin kung aling account sa pagte-trade ang nais mong pondohan. Tiyaking piliin kung sa aling currency mo gusto mag-trade at ilagay ang halaga ng iyong deposito.
  4. Punan ang mga natitirang field (kung naangkop) sa form at pindutin ang ‘Kumpirmahin’ para magpatuloy.
  5. Maglaan ng ilang sandali para suriin ang lahat ng impormasyong inilagay mo bago i-click ang ‘Isumite’. Mula doon, ipapadala ka sa isang pahina ng pagpoproseso ng pagbabayad kung saan mo ilalagay ang mga detalye ng iyong card.
  6. Mag-click sa Kasaysayan ng MyAlpari kung gusto mong tingnan ang status ng iyong deposito.

Mahalagang Impormasyon

Mahalagang tandaan ang mga sumusunod kapag gusto mong magdeposito:

  1. Ang Alpari International ay hindi tumatanggap ng mga kabayaran mula sa third party.
  2. Bilang bahagi ng proseso ng pagdedeposito, kailangan namin ng may-kulay na kopya ng magkabilang panig ng iyong Mastercard. Inirerekomenda naming takpan ang lahat puwera ang huling apat na numero ng credit card sa harap. At, inirerekomenda rin naming takpan mo ang CVV code – ang tatlong huling numera sa likod – para sa mga layuning panseguridad. Dapat ay malinaw at nakikita ang lahat, at dapat may-lagda ang likod.
  3. Ang Alpari International ay tumatanggap ng mga deposito sa USD, EUR, at GBP lang. Kung ikaw ay nagbabayad gamit ang ibang currency, awtomatikong papalitan ito ng system namin sa USD, EUR, o GBP, at maaaring magkaroon ng singil sa kombersyon.
  4. Sisingilin ng aming proseso sa card ang tatanggap para sa bawat transaksyon, na ipapataw sa mga mga kliyente ng Alpari International (pwede mong tingnan ang talahanayan ng halaga ng kombersyon dito). Ang netong halaga ay ipapaskil sa iyong trading account, at popondohan sa pamamagitan ng pamproseso ng card.
  5. Agad na maidaragdag ang iyong deposito sa trading account mo. Ngunit, maaari kang makaranas ng mga pagkaantala kung hindi maberipika ng Alpari International o ng pamproseso ng card ang iyong impormasyon.
  6. Ang parehong card na ginamit para sa pagdedeposito ay dapat gamitin kung gusto mong i-withdraw pabalik ang pondo.
  7. Maaari kaming humingi ng code ng awtorisasyon para sa iyong deposito gamit ang card. Pwede rin kaming mangailangan ng screenshot, paminsan-minsan, ng card statement mo o ng statement ng online na bangko para sa iyong deposito gamit ang card.
  8. Kung mangangailangan kami ng anumang bagay na kaugnay ng mga detalye ng iyong card, ipapadala ito gamit ang opisyal na email address ng Alpari International. Hindi kami kailanman magtatanong ng pribadong impormasyon gaya ng CVV ng iyong card o ng 3D secure code. Kung makakatanggap man kayo ng anumang kahina-hinalang email, pakiulat ito sa lalong madaling panahon sa [email protected].
  9. Hindi itinatago ng Alpari International ang datos ng card ng kliyente. Ang anuman at ang lahat ng datos ng card ay kinakalap at ligtas na itinatago sa Payment Card Industry Data Security Standard (PCI DSS) Level 1- na lisensyadong Payment Services Provider.
  10. Gaya ng inirerekomenda ng PCI Security Standards Council, protektado ang mga detalye ng card ng kostumer gamit ang Transport Layer encryption — TLS 1.2 – pati na rin ng application layer na may algoritmong AES at 245-bit key length.
CurrencyEUR, USD, GBP
Mga Bayad / Komisyon2 EUR/ 3 USD/ 2 GBP
Oras ng Pagpoproseso24 na oras

Dapat magkumpleto ka ng isang kahilingan sa MyAlpari kung kailangan mong mag-withdraw ng mga pondo mula sa iyong account sa pagte-trade papunta sa iyong debit o credit card.

Paano mag-withdraw ng mga pondo mula sa iyong account sa pagte-trade ng Alpari International

  1. Mag-click sa ‘Mag-withdraw ng mga pondo’ mula sa menu sa tabi sa MyAlpari (sa ilalim ng ‘Pera Ko’). Piliin ang ‘Debit/Credit Card’, at pagkatapos piliin mula sa aling account sa pagte-trade mo nais mag-withdraw.
  2. Pagkatapos, piliin kung sa aling currency mo nais na mag-withdraw, pati na rin ang numero ng card, petsa ng pagkakawalang-bisa, pangalan ng may-ari ng card at bangkong nagkaloob. Tiyaking basahin ang mga kondisyon sa pagwi-withdraw bago punan ang natitirang bahagi ng form at i-click ang ‘Kumpirmahin’.
  3. Alamin ang status ng iyong pagwi-withdraw sa ‘Kasaysayan ng MyAlpari’.

Mahalagang Impormasyon

Tandaan ang mga nasa ibaba bago mag-withdraw ng pondo:

  1. Para sa mga layuning panseguridad, hindi aaksyon ang Alpari International para magbayad sa mga third party. Ang pangalan ng may-ari ng card ay dapat pareho sa pangalan sa trading account.
  2. Kung gusto mong mag-withdraw, kailangan mong gamitin ang parehong card gaya ng ginamit sa orihinal na deposito. Mahalaga ring tandaan na ang halagang iwi-withdraw ay hindi dapat lumampas sa kabuuang halagang idineposito na mula sa parehong card.
  3. May singil sa pagpoproseso ng iyong iwi-withdraw, at ibabawas ito sa na-withdraw na pondo. Pwede mong i-withdraw ang anumang kinita pagkatapos, sa anumang paraang pipiliin mo.
  4. Mahalaga ring tiyakin na sapat ang free margin ng iyong account upang masaklaw ang iyong pagwi-withdraw. Kung hindi, maaaring kailanganin mong isara ang ilang posisyon sa account mo bago ka mag-withdraw.
  5. Pinoproseso ng Alpari International ang iyong mga pagwi-withdraw sa loob ng 1 araw ng trabaho pagkatapos ng iyong request. Pagkatapos, ililipat ang pondo sa iyong payment card sa loob ng isang linggo ng trabaho. Maaaring magkaroon ng mga pagkaantala kung may mga isyu sa pagbeberipika ng iyong impormasyon.
  6. Ang card na ginamit para sa pagdedeposito ay dapat pareho sa gagamitin sa pagwi-withrdraw ng pondo.
  7. Mga Limit ng Pamproseso ng Credit Card (sa bawat transaksyon): Minimum: upang mabayaran ang mga singil Maximum: $/€/£ 15,000.
  8. Kung hindi mapoproseso ng pamproseso ng card ang iyong pagwi-withdraw, makikipag-ugnayan sa iyo ang aming pangkat upang magmungkahi ng ibang mga paraan.
  9. Hindi itinatago ng Alpari International ang anumang datos ng card na pagmamay-ari ng aming mga kostumer. Ang lahat ng kompidensyal na impormasyon gaya ng datos ng card ay kinakalap at ligtas na itinatago lang sa PCI DSS Level 1 na lisensyadong Payment Services Provider.
  10. Gaya ng inirerekomenda ng PCI Security Standards Council, protektado ang mga detalye ng card ng kostumer gamit ang Transport Layer encryption — TLS 1.2 – pati na rin ng application layer na may algoritmong AES at 245-bit key length.