Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.
Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.

Mga Panloob na Transfer

Paglilipat ng mga pondo sa pagitan ng iyong mga account

  1. Sa MyAlpari, piliin ang ‘Mga Panloob na Transfer’ mula sa menu sa itaas.
  2. Sa form na makikita mo, tiyaking pinili mo ang ‘Panloob na Transfer’ bilang kinakailangang ‘Uri ng Transfer’.
  3. Mula rito, piliin ang account mula saan mo gustong maglipat ng mga pondo at pagkatapos piliin ang ‘Account sa Pagte-trade’ bilang ‘Paraan ng Transfer’.
  4. Bago i-click ang ‘Kumpirmahin’, kailangan mong tukuyin kung aling account mo gustong pumunta ang transfer na ito, pati na rin ang halaga ng transfer.
  5. Upang ma-authenticate ang kahilingan ng transfer, makakatanggap ka ng isang password sa pamamagitan ng SMS o email address na ginamit mo para magparehistro. Ilagay ang password na ito sa kinakailangang field upang kumpletuhin ang transaksyon.

Puwede mong subaybayan ang iyong transfer sa anumang oras sa pagpunta sa ‘Kasaysayan ng MyAlpari’.

Mga kondisyon ng transfer

Oras ng Pagpoproseso: Ang mga panloob na transfer sa Alpari International ay madalian, nguni’t maaaring magtagal ng ilang minuto bago mag-update ang balanse ng iyong mga account. Sa mga pambihirang pagkakataon, maaaring magkaroon ng mga pagkaantala. Kung hindi mo nakikita ang iyong bagong balanse sa iyong mga account, mangyaring makipag-ugnayan sa amin at tutulungan ka naming lutasin ang isyu sa lalong madaling panahon.

Komisyon: Wala.

Mahalagang Impormasyon

Kapag naglilipat ng mga pondo sa pagitan ng mga account, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod na impomasyon:

  1. Hindi pinahihintulutan ng Alpari International ang paglilipat ng mga pondo papunta sa mga account sa pagte-trade ng third party. Puwede lamang ilipat ang mga pondo sa pagitan ng mga account na nakarehistro sa parehong pangalan.
  2. Puwedeng gawin ang mga transfer sa EUR, GBP at USD. Ina-update araw-araw ang mga halaga ng kombersyon at matatagpuan ang mga ito sa MyAlpari.