Currency | BTC |
Mga Bayad / Komisyon | Walang Komisyon |
Oras ng Pagpoproseso | 24 na oras |
Pagdeposito sa iyong Alpari International account
- Tiyaking kumpletuhin ang form ng Pagdeposito ng Pondo sa MyAlpari – na matatagpuan sa ilalim ng MyMoney sa pangunahing menu – at kumpirmahin ang pagbabayad.
- Mula doon, ipapadala ka sa pahina ng pagbabayad para sa Bitcoin. Ito ay gagawa ng invoice na may QR code.
- I-scan ang code na ito gamit ang iyong personal na aplikasyon ng pitaka ng Bitcoin.
- Sa oras na may akses ka na sa iyong bayad ng Bitcoin sa pamamagitan ng iyong personal na aplikasyon ng pitaka ng Bitcoin, mag-click para kumpirmahin ang pagbabayad.
- Sa sandaling kinumpirma mo ang pagbabayad, manatili sa pahina. Sa loob ng humigit-kumulang sampung segundo, makikita mo ang status ng trasaksyon.
- Pumunta sa MyAlpari upang makita ang progreso ng iyong transfer. Puwede kang mag-click sa ‘Pera Ko’ sa menu sa tabi, at pagkatapos sa ‘Mga Transfer Ko’ upang subaybayan ang lahat ng deposito at pagwi-withdraw na nakabinbin ang pagkumpleto.
- Kung nakalagay ang ‘Pinoproseso’ sa iyong status, nangangahulugan ito na tinanggap na ang iyong kahilingan at nakabinbin ang pagkumpleto nito. Karaniwang nagtatagal ng 1-2 oras bago magbago ang status na ito at makikita ang ‘Naideposito na ang mga pondo sa iyong account’.
Mahalagang Impormasyon
Kung magdedeposito ka, isaalang-alang ang mga sumusunod na punto:
- Hindi tinatanggap ang mga bayad mula sa third party. Dapat na magkatugma ang pangalan ng nagpadala at ang pangalang nakarehistro sa Alpari International.
- Awtomatiko naming papalitan ang anumang currency na magkaiba sa currency ng iyong account – ito ay gagawin alinsunod sa mga halaga ng kombersyon ng Alpari International.
- Ipo-post ang mga matagumpay na deposito sa mga account sa loob ng maikling panahon. Maaaring magkaroon ng mga pagkaantala kung hindi mabeberipika ng Alpari International o ng tagabigay ng serbisyo ng pagbabayad ang iyong impormasyon.
- Mayroon kaming sinusuportahang currency (tingnan ang talahanayan sa itaas). Kung ang iyong deposito ay hindi sa isang sinusuportahang currency, papalitan ito at maaaring sumingil ang tagabigay ng serbisyo ng isang singil sa kombersyon.
- Kung ang currency ng iyong account sa pagte-trade ay magkaiba sa currency ng iyong deposito, papalitan ang transaksyon at may singil na maaaring ilapat alinsunod sa talahanayan ng mga halaga ng kombersyon sa MyAlpari.
- Ina-update araw-araw ang aming talahanayan ng mga halaga ng kombersyon.
- Ipinapakita ng talahanayan sa itaas ang mga oras ng pagpoproseso para sa mga deposito.
- Ang maximum na limit ay 25,000 USD/EUR/GBP bawat kliyente, bawat buwan.
- Kung magwi-withdraw ka ng Bitcoin, kailangan itong ibalik sa parehong pitaka ng Bitcoin na ginamit mo para magdeposito.
- Ang halaga ng pagwi-withdraw sa isang espesipikong address ng Bitcoin ay hindi dapat lalampas sa kabuuang halagang idineposito mula sa parehong address ng Bitcoin.
- Sa ilang pangyayari, maaaring hilingin namin sa iyong magbigay ng isang screenshot mula sa iyong pitaka ng Bitcoin, na malinaw na ipinapakita ang transaksyon ng Alpari International.
- Ang mga naipon o nag-iisang halaga ng pagwi-withdraw na mas mataas sa 3,000 USD / EUR / GBP bawat araw ay maaaring sumailalim sa ilang karagdagang impormasyon, tulad ng iyong pangalan ng pitaka ng Bitcoin, at maaaring kailanganing ibahagi ng Alpari International ang iyong mga dokumentong KYC sa tagabigay ng serbisyo. Maaari itong magresulta sa karagdagang pagkaantala ng isang araw ng trabaho.
- Ipinagbibigay-alam namin sa iyo na para magdeposito ng higit sa 3,000 USD / EUR / GBP kada transaksyon sa iyong account sa pag-trade, kailangan mong direktang ibahagi ang iyong mga dokumento sa KYC sa tagapagkaloob para agarang maaprubahan ang iyong crypto account. Ang pagbibigay ng mga dokumento ay dapat isagawa sa panahon ng proseso ng pagdeposito.
- Kung pipiliin mo na maging mas mababa sa “Normal” na antas ang antas ng patakaran ng Singil ng Network, maaari itong magresulta sa pagtanggi ng network sa transaksyon. Lalong mas mataas ang antas, lalong mas malaki ang tsansa ng iyong transaksyon na maidagdag sa isang block sa loob ng blockchain.
- Tiyaking up-to-date ang iyong pitaka ng BTC sa lahat ng oras.
- Inirerekomenda ng tagabigay ng serbisyo na gamitin ang ilang pitaka ng Bitcoin – Bitpay, Copay, BTC.com, Mycelium, Edge, Electrum, Bitcoin Core, Bitcoin.com, BRD, Bitnovo, Blockchain, Exodus, HODL wallet – dahil sinusuportahan nila ang pinakabagong protokolo sa pagbabayad ng Bitcoin. Kung ang iyong pitaka ay wala sa listahang ito, maaaring hindi ito tanggapin ng tagabigay ng serbisyo. Napuna ng tagabigay ng serbisyo na ang prosesong pang-administratibo sa pamamagitan ng mga palitan ay humahantong sa mahahalagang pagkaantala at sumasagabal ito sa network ng Bitcoin at ang garantisadong rate.
- Anumang impormasyong matatanggap mo mula sa amin tungkol sa iyong pitaka o pagpaparehistro ng Bitcoin ay manggagaling sa mga opisyal na email address ng Alpari International. Kailanman ay hindi kami hihiling sa iyo ng anumang mga pribadong detalye ng pitaka ng Bitcoin. Kung may matatanggap kang anumang bagay na kahina-hinala, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa: [email protected]
Currency | BTC |
Mga Bayad / Komisyon | 1% |
Oras ng Pagpoproseso | 24 - 48 na oras |
Pagwi-withdraw ng mga pondo mula sa MyAlpari
- Sa MyAlpari, piliin ang ‘Mag-withdraw ng mga pondo’, na nasa ilalim ng ‘Pera Ko’ sa menu sa tabi.
- Mag-scroll pababa hanggang sa ‘Mga e-Wallet’ at mag-click sa ‘Mag-withdraw’ upang hilingin ang iyong pagwi-withdraw ng Bitcoin.
- May makikita kang form na may kasamang mga tagubilin. Sundin ang mga ito, kumpletuhin ang form ng ‘Mag-withdraw ng pondo’ sa MyAlpari at kumpirmahin.
- Basahin ang mga tuntunin at kondisyon, at i-click ang ‘Kumpirmahin’ kapag handa ka na.
- Ipapadala sa iyo ang isang password ng pagbabayad na may 4 na tambilang sa pamamagitan ng SMS o email (tingnan ang iyong spam o junk na folder kung hindi mo ito natanggap pagkatapos ng ilang minuto). Ilagay ang password na ito sa pahina ng kumpirmasyon ng pagwi-withdraw bago pindutin ang ‘Isumite’.
- Puwede kang pumunta sa MyAlpari upang subaybayan ang progreso ng iyong transfer. Mag-click sa ‘Pera Ko’ at sa ‘Mga Transfer Ko’ upang tingnan ang lahat ng deposito at pagwi-withdraw na nakabinbin ang pagkumpleto.
- Kung nakalagay ang ‘Pinoproseso’ sa status ng iyong pagwi-withdraw, tinanggap na ang iyong kahilingan at nakabinbin ang pagkumpleto nito. Sa maikling panahon pagkatapos, karaniwan sa loob ng isang araw ng trabaho mula sa iyong kahilingan, magpapalit ang status sa ‘Naipadala na ang mga pondo’ na kinukumpirma na napadala na ang mga pondo sa iyong pitaka ng Bitcoin.
Mahalagang Impormasyon
Kung magwi-withdraw ka, isaalang-alang ang sumusunod:
- Hindi tinatanggap ang mga bayad mula sa third party. Ang pangalan ng tatanggap ay dapat pareho sa pangalan na nakarehistro sa Alpari International.
- Kung nagsusumite ka ng isang kahilingan ng pagwi-withdraw, ang lahat ng transaksyon ng deposito ng Bitcoin ay ibabalik sa pinanggalingan nila.
- Kung gusto mong mag-withdraw ng anumang kita pagkatapos ng iyong paunang deposito, puwede mo itong i-withdraw gamit ang anumang ibangParaan sa pagbabayad na available sa iyo.
- Tiyaking may sapat kang free margin sa iyong account upang matugunan ang iyong pagwi-withdraw. Kung wala ka nito, maaaring mapilitan kang isara ang ilang bukas na posisyon sa iyong account.
- Kung ang iyong account sa pagte-trade at kahilingan ng pagwi-withdraw ay gumagamit ng magkaibang currency, awtomatikong papalitan ang transaksyon at may singil na maaaring singilin alinsunod sa talahanayan ng mga halaga ng kombersyon sa MyAlpari.
- Ina-update namin ang mga halaga ng kombersyon araw-araw.
- Ide-debit namin ang singil sa pagwi-withdraw mula sa halagang nai-withdraw. Mangyaring tingnan ang talahanayan sa itaas para sa Mga Singil/Komisyon.
- Ipinapakita ng talahanayan sa itaas ang mga oras ng pagpoproseso namin para sa mga pagwi-withdraw.
- Ang mga naipon o nag-iisang halaga ng pagwi-withdraw na maaaring mas mataas sa 3,000 USD / EUR / GBP bawat araw ay maaaring sumailalim sa karagdagang ID, tulad ng iyong pangalan ng pitaka ng Bitcoin. Maaaring kailanganing ibahagi ng Alpari International ang iyong mga dokumentong KYC sa tagabigay ng serbisyo. Maaari itong humantong sa pagkaantala ng isang araw ng trabaho.
- Ang pagwi-withdraw sa isang espesipikong address ng Bitcoin ay hindi dapat lalampas sa kabuuang halagang idineposito mula sa parehong address ng Bitcoin.
- Inirereserba ng Alpari International ang karapatan na iproseso ang mga kahilingan ng pagwi-withdraw ng Bitcoin ng isang kliyente sa pamamagitan ng iba pang paraan ng pagbabayad, sa kaganapan ng force majeure at/o Mga Kilos ng Diyos at/o para sa anumang ibang mga dahilan na hindi sakop ng makatwirang kontrol ng Kompany.
- Mahalagang tandaan na kung pipiliin mo na maging mas mababa sa “Normal” na antas ang antas ng patakaran ng Singil ng Network, maaaring mangahulugan ito ng pagtanggi ng network sa transaksyon.
- Lalong mas mataas ang antas, lalong mas malaki ang tsansa ng iyong transaksyon na maidagdag sa isang block sa loob ng blockchain.
- Tiyaking up-to-date ang iyong pitaka ng BTC sa lahat ng oras.
- Inirerekomenda ng tagabigay ng serbisyo na gamitin ang ilang pitaka ng Bitcoin – Bitpay, Copay, Mycelium, Airbitz, Electrum, Bitcoin Core, Bitcoin.com, BRD (Bread) wallet – dahil sinusuportahan nila ang pinakabagong protokolo sa pagbabayad ng Bitcoin. Kung ang iyong pitaka ay wala sa listahang ito, maaaring hindi ito tanggapin ng tagabigay ng serbisyo. Napuna ng tagabigay ng serbisyo na ang prosesong pang-administratibo sa pamamagitan ng mga palitan ay humahantong sa mahahalagang pagkaantala at sumasagabal ito sa network ng Bitcoin at ang garantisadong rate.
- Anumang impormasyong matatanggap mo mula sa amin tungkol sa iyong pitaka o pagpaparehistro ng Bitcoin ay manggagaling sa mga opisyal na email address ng Alpari International. Kailanman ay hindi kami hihiling sa iyo ng anumang mga pribadong detalye ng pitaka ng Bitcoin. Kung may matatanggap kang anumang bagay na kahina-hinala, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa: [email protected]