Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.
Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.

Pondo ng Bayad-Pinsala ng Financial Commission

Nakikipagtrabaho kami sa Financial Commission upang protektahan ang iyong puhunan

Ano ang Financial Commission?

Ang Financial Commission ay isang nagsasariling, internasyonal na organisasyong nagbibigay sa mga trader at broker ng isang mekanismo ng panlabas na pagsasaayos ng alitan (EDR). Ang Financial Commission ay tumutulong sa pagsasaayos ng mga na-escalate na isyu sa pagitan ng mga kliyente at ng kanilang mga tagabigay ng serbisyong pinansyal bilang isang neutral na third party. Ang Pondo ng Bayad-Pinsala ng Commission ay awtomatikong sinasaklaw din ang lahat ng miyembro.

Nilalayon ng Commission na lutasin ang mga reklamo gamit ang isang prosesog mas mabilis at mas simple kaysa sa pagharap ng mga isyu sa pamamagitan ng mga tagapangasiwa ng industriya o ang sistemang legal. Bukod sa pagtulong sa mga trader na ayusin ang mga alitan sa isang napapanahon, walang pinapanigan at transparent na paraan, sinisikap ng Commission na pagbutihin ang pangkalahatang pag-unawa ng mga kliyente sa industriya ng forex.

Ano ang relasyon ng Alpari International sa Financial Commission?

Nakarehistro ang Alpari International sa Financial Commission simula noong 2013. Makikita mo ang aming sertipiko ng pagiging miyembro sa pagsunod sa link na ito. Bukod sa akses sa isang ganap na nagsasariling proseso ng pagsasaayos ng alitan, nangangahulugan ang pagiging miyembro namin na protektado ka ng Pondo ng Bayad-Pinsala ng Commission.

Paano gumagana ang Pondo ng Bayad-Pinsala?

Ang Pondo ng Bayad-Pinsala ay hinahawakan ng Commission bilang isang insurance policy para sa mga kliyente ng Alpari International. Itinatago ito sa isang hiwalay na bank account at ibabayad ito sa kaganapang hindi sinunod ng miyembro ng Commission ang paghatol ng Commission pagkatapos ng isang pagsasaayos ng alitan. Nangangahulugan ito na bilang kliyente ng Alpari International, maaasahan mo na matatanggap mo ang pera na pinagpasiyahan ng Commission na karapat-dapat mong i-claim.

Saan nanggagaling ang pera sa Pondo ng Bayad-Pinsala?

Inilalaan ng Financial Commission ang 10% ng mga buwanang singil sa pagiging miyembro sa Pondo ng Bayad-Pinsala.

Sino ang puwedeng mag-claim mula sa Pondo ng Bayad-Pinsala?

Puwede ka lamang mag-claim mula sa Pondo ng Bayad-Pinsala pagkatapos ng isang paghatol sa iyong pabor mula sa Commission. Nangyayari ito batay sa mga indibiduwal na kaso; hindi magiging karapat-dapat ang lahat ng kliyente ng isang miyembre sa isang payout mula sa pondo.

Ano ang maximum na saklaw?

Ang Pondo ng Bayad-Pinsala ay sasaklaw lamang ng mga paghatol nang hanggang sa €20,000 bawat kliyente.

MGA KAPAKI-PAKINABANG NA LINK

Tungkol sa Financial Commission:

https://financialcommission.org/about/what-we-do/

Impormasyon tungkol sa Pondo ng Bayad-Pinsala:

https://financialcommission.org/about/compensation-fund/

Proseso ng Pagsasaayos ng Alitan:

https://financialcommission.org/resolving-a-dispute/dispute-resolution-process/