Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.
Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.

Pagte-trade ng Stock

Makipagtulungan sa isang dalubhasa, mapagkakatiwalaang broker at mag-trade sa kapana-panabik na stock market sa Alpari International.

Sa buong mundo, kumikita ang mga stock trader mula sa mga pagtaas ng halaga ng mga kompanya. Ang ganitong aktibidad mismo ay nagpapataas ng halaga ng stocks ng kompanya. Maraming investor ang hindi bibitiw sa stocks sa mahabang panahon para makinabang sila sa pangmatagalang galaw ng equity at stock market. Pero huwag masyadong masiyahan dahil posible din ang pagkalugi.

Kapag nagpasya kang mag-trade sa Alpari International, magkaka-access ka sa direktang presyo ng liquidity na may kasamang pinakabagong datos na direkta mula sa pinakamalalaking stock exchange sa buong mundo – ang NYSE at NASDAQ.

Pumili ka mula sa koleksyon ng malalaking stocks ng kompanya:

Ang mga arrow sa graphic sa itaas ay hindi kumakatawan sa anumang uri ng payo sa pag-iinvest. Larawan lang ang mga ito at ipinapakita lang ang direksyon na iginalaw ng instrumento mula noong huling pag-tick. Hindi eksaktong live ang mga presyo – ang mga ito ay mula noong nakaraang 15 minuto, at awtomatikong naa-update bawat minuto. Pagkatapos ng oras ng market, ang ipapakitang presyo ay ang huling presyo sa panahon ng sesyon.

Ang mga tatak-kalakal sa website ng Alpari International ay pagmamay-ari ng mga may-ari nito at hindi kumakatawan bilang pag-eendorso o rekomendasyon mula sa amin para sa mga organisasyong iyon. At, ang paggamit ng website ng tatak-kalakal o link sa mga website ng mga third party na organisasyon ay hindi nagpapahiwatig, direkta man o hindi, na ang naturang mga organisasyon ay nag-eendorso o may anumang kinalaman sa Alpari International.

Pinagsama
Ang stocks mula sa malalaking tech na kompanyang tulad ng Alphabet, Apple at Facebook ay inaalok ng Alpari International, at itinuturing na pinakamahuhusay gumanap na technology stocks mula sa NASDAQ stock exchange. Ang stocks na ganito ay kilala rin bilang ‘growth stocks’ - dahil habang umuunlad ang teknolohiya, may mga bagong produktong nalilikha, nilalabas at naa-upgrade. Ang mga investor na nagte-trade sa ganitong uri ng stocks sa Alpari International ay may mas malaking pagkakataon na kumita ng mas malaki dahil ang pangangailangan para sa mga produktong ito ay inaasahang magpapatuloy sa hinaharap.

Pagte-trade ng Stock vs Pagte-trade ng Stock CFD

Kung gustong i-trade ng mga investor ang galaw ng stock market, karaniwan ay gagamitin nila ang pagte-trade ng stock o pagte-trade ng stock CFD para magawa ito. Ang mga trader na nag-iinvest sa stock ay direktang nagmamay-ari sa kaugnay na stock, na porsiyento ng kompanya kung saan sila nag-invest. Pero, sa pagte-trade ng stock CFD, bibili ang mga trader ng kontrata sa pagitan nila at ng borker na magtataya sa papasok at palabas na halaga ng stock. Ang ibig sabihin nito, ang mga trader ng stock CFD ay maaaring kumita mula sa galaw ng asset nang hindi aktwal na magmamay-ari nito, at ang mga stock trader ay magpaplanong makinabang mula sa halaga ng share na pagmamay-ari nila sa loob ng ilang panahon.

Bakit Ba Nagte-trade ng Stocks?

May ilang dahilan kung bakit napakagandang ideya sa pag-iinvest ang pagte-trade ng stocks. Kasama rito ang:

Walang limit sa oras – pwede itong bumagay sa isang investor na may pangmatagalang mga estratehiya, dahil pwedeng hawakan ang stocks nang walang takdang panahon, at dahil dito, posibleng masulit ang kita salamat sa pangmatagalang trend.
Diversification (Pagiging iba-iba) – dahil hiwa-hiwalay ang paggalaw ng stocks sa ibang uri ng investment, maaaring magkaroon napakalaking pakinabang ito at malaking sanggunian sa pagiging iba-iba ng portfolio ng isang trader. Kaya kung may mga kalugihan sa ibang istrumento, maaaring mahalagang alternatibo ang pagte-trade ng stock.
Nagpapakilala ng panganib – katulad ng paggamit sa pangmatagalang mga estratehiya sa pag-iinvest, ang pagte-trade ng stock ay maaari ding mapagkunan ng panandalian, mabilis na kita at magpakilala ng panganib sa portfolio ng isang trader. Syempre, tulad ng sa anumang uri ng pagte-trade, posible rin ang mabilis na pagkalugi.

Mga Kondisyon sa Pagte-trade ng Stock

Pinapayagan ka ng Pro Account ng Alpari International na eksklusibong mag-trade ng stocks. Ginawa ang aming Pro Account para sa mga nangungunang trader gaya ng mga institusyonal na trader o mga manager ng hedge fund. Tiniyak namin na nasa iyo lahat ng bagay na kailangan mo para makapag-trade sa paraang gusto mo nang walang kahit anong komisyon, requote o kompromiso.

Mga Spread

Ang mga spread sa stocks ay nagsisimula sa 0 pips. Ang mga Pro trader ng Alpari International ay pwedeng makinabang sa mga spread sa lebel ng institusyon sa pamamagitan ng pagpapanatili sa kanilang balanse sa hindi bababa sa 250,000 EUR/GBP/USD. Depende sa mga kondisyon ng market, pwedeng tumaas ang mga spread sa ilang partikular na panahon sa loob ng isang araw.

Eksekyusyon ng Market

Sumali na sa Alpari International at maranasan ang mala-kidlat na bilis na eksekyusyon. Ang pangkalahatang eksekyusyon ng mga order kapag nagte-trade ng stocks ay nagaganap nang mabilisan. Kaya kapag direktang napresyuhan ang stock sa market, matatanggap ng mga trader na nagte-trade gamit ang lahat ng uri ng estratehiya ang mga resulta sa mas mabilis pa sa isang segundo.

Mga Size ng Lot

Mayroon kaming mga size ng lot na nababagay sa estilo mo sa pagte-trade – mini man ito, macro o standard. Kapag nag-trade ka ng stocks sa Alpari International, pwede kang mag-trade sa pagitan ng pinakamaliit na volume na 0.01 lots bawat trade, at pinakamalaking volume na 250 lots bawat trade.

Bakit magandang sumali sa Alpari International para mag-trade ng stocks?

Pinamamahalaan at lisensyado sa buong mundo
Ang Alpari International ay pinamamahalaan sa buong mundo at lisensyado sa ilalim ng Financial Services Commission of Mauritius.
Sigurado at Ligtas
Ligtas naming itinatago ang pondo mo sa iba-ibang account.
Multilinggwal na suporta
Ang Alpari International ay nag-aalok ng suporta sa mahigit sa 30 wika.
Malawak na Saklaw ng mga Instrumento sa Pagte-trade
Mag-trade ng Forex, Spot Metals at mga CFD.