Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.
Babala sa Panganib: Ang iyong kapital ay nasa panganib. Pinangangasiwaan ng FSC ang Exinity Limited.

Neteller

Neteller


 

CurrencyEUR, USD, GBP
Mga Bayad / KomisyonWalang Komisyon
Oras ng PagpoprosesoAgad-agad
Minimum na Deposito5 EUR/USD/GBP

Paano magdeposito sa iyong Alpari International account

  1. Pumunta sa ‘Pera Ko’ sa kaliwang bahagi ng dashboard ng MyAlpari. I-click ang ‘Magdeposito ng Mga Pondo’ sa drop-down menu.
  2. Sa mga paraan ng pagdeposito, piliin ang ‘NETELLER’.
  3. Magbubukas ang isang form sa pahina, kung saan mo pipiliin ang iyong account sa pagte-trade mula sa menu ng ‘Magdeposito sa Account’. Piliin ang iyong currency sa seksyon ng ‘Currency ng Deposito’ at ilagay ang halaga ng iyong deposito.
  4. Punan lamang ang iyong mga detalye sa pag-login sa NETELLER – ang email address o ang iyong account ID, kasama ang Secure ID na may 6 na tambilang na natanggap mo noong binuksan mo ang iyong NETELLER account, at pagktapos pindutin ang ‘Kumpirmahin’.
  5. Suriin ang lahat ng impormasyon bago i-click ang ‘Isumite’.
  6. Puwede mong tingnan ang status ng iyong deposito sa MyAlpari, sa ilalim ng ‘Mga Transfer Ko’. Sa oras na ito, dapat makikita mo ang ‘Pinoproseso’ hanggang makredito ang deposito sa iyong account, kung kailan makikita mo ang ‘Naideposito na ang mga pondo sa iyong account’.

Mahalagang impormasyon

  1. Puwede ka lamang magdeposito mula sa iyong sariling NETELLER eWallet.
  2. Hindi kami tumatanggap ng mga bayad mula sa mga third party.
  3. Dapat magkatugma ang iyong mga detalye ng pagparehistro sa NETELLER at ang mga detalye ng iyong account sa pagte-trade. Kung gumamit ka ng isang email address na magkaiba sa email address na nakarehistro sa MyAlpari para sa iyong NETELLER account , idagdag ang impormasyong ito sa iyong User Profile sa MyAlpari.
  4. Kung ang iyong transaksyon ng NETELLER ay nasa isang currency na hindi sinusuportahan (tingnan ang talahanayan sa itaas), papalitan ito at maaaring ilapat ang isang singil. Mag-login upang makita ang mga halaga ng kombersyon sa MyAlpari.
  5. May minimum na deposito sa bawat transaksyon na $/€/£ 5. May maximum na deposito na $/€/£ 10,000.
  6. Hindi sumisingil ng anumang komisyon ang Alpari International para sa mga depositong ginawa sa pamamagitan ng Skrill.
  7. Kung naging matagumpay ang iyong deposito, ikekredito ito sa iyong account sa pagte-trade. Gayon pa man, kung magkakaproblema ang NETELLER o Alpari na beripikahin ang iyong impormasyon, magkakaroon ng mga pagkaantala.
CurrencyEUR, INR, GBP, PLN, NGN
Mga Bayad / Komisyon

Walang Komisyon

Oras ng Pagpoproseso24 na oras

Pagwi-withdraw ng mga pondo mula sa iyong Alpari International account

  1. Sa MyAlpari, pumunta sa ‘Pera Ko’ sa menu sa itaas at piliin ang ‘Mag-withdraw ng mga pondo’.
  2. I-click ang ‘Mag-withdraw’ na button sa tabi ng NETELLER na opsyon.
  3. Magbubukas ang isang form sa oras na ito – pumunta sa menu ng ‘Mag-withdraw mula sa account’ at pumili lamang ng isang account sa pagte-trade. Kasunod, piliin kung sa aling currency mo nais na matanggap ang mga pondo sa ilalim ng seksyon ng ‘Currency ng Transfer’. Sa field ng ‘Kabuuang iwi-iwthdraw’, ilagay ang iyong napiling halaga ng pagwi-withdraw.
  4. Kapag napunan mo na ang natitirang bahagi ng form (kabilang ang iyong Secure ID na my 6 na tambilang na natanggap mo noong binuksan mo ang iyong NETELLER account), maglaan ng ilang sandali para basahin ang lahat ng kondisyon sa pagwi-withdraw bago i-click ang ‘Kumpirmahin’.
  5. Ipapadala sa iyo ang isang password sa pamamagitan ng SMS o email. Ilagay ang password na ito sa kinakailangang field.
  6. Puwede mong tingnan ang status at mga detalye ng iyong pagwi-withdraw sa anumang oras sa pagpunta sa ‘Kasaysayan ng MyAlpari’.

Mahalagang impormasyon

  1. Hindi tinatanggap ang mga pagwi-withdraw sa mga third party.
  2. Puwede ka lamang mag-withdraw sa parehong NETELLER ACCOUNT na ginamit para gawin ang orihinal na deposito.
  3. Para mag-withdraw ng mga pondo sa pamamagitan ng NETELLER, dapat orihinal na ginamit mo ang NETELLER para magdeposito ng mga pondo.
  4. Ang maximum na pagwi-withdraw na puwede mong gawin ay 10,000 EUR o katumbas nito (tingnan ang talahanayan para sa mga sinusuportahang currency). Walang minimum na halaga ng pagwi-withdraw.
  5. Ibabawas ang singil sa pagwi-withdraw mula sa halagang nais mong i-withdraw.
  6. Tiyaking may sapat na free margin sa iyong account upang matugunan ang halagang nais mong i-withdraw. Kung wala nito, maaaring isara ang anumang bukas na posisyong mayroon ka.
  7. Kung may kinita ka sa pamamagitan ng pagte-trade, puwede itong i-withdraw sa pamamagitan ng NETELLER basta’t ito ang parehong NETELLER account na ginamit para gawin ang orihinal na deposito. Tumatanggap din kami ng pagwi-withdraw sa pamamagitan ng bank wire, nguni’t maaaring kailanganin namin ang isang pahayag ng bangkong nagpapakita ng pangalan ng may-ari ng account na pareho sa pangalang nakarehistro sa Alpari International.
  8. Ina-update ng MyAlpari ang mga halaga ng kombersyon araw-araw.